I love him

2K 81 0
                                    

I love you mga kapatid!

----------------------------------------------------

Chapter 34

Saphie's POV

"Emily!"

Dali-dali akong tumakbo palapit sa kanya pero may bigla na lang tumulak sakin kaya napaupo ako sa lapag. Wala na kong nagawa kundi ang umupo sa lapag at panuorin siyang kunin ng mga kidnappers.

"Emily..."

Umiiyak na ko. Anong gagawin ko?

"Saphie! Anong ginagawa mo diyan? Asan si Emily?"

Itinayo ako ni Andrew. Sakto namang dating ng Gang. Lalapitan na sana ako ni Ryan pero bigla na lang akong hinila ni Daniele kaya napaharap ako sa kanya.

"Bakit ka umiiyak ha? Anong nangyari?"

Sabi niya tsaka niya pinahiran ang luha ko. Pero balot pa rin ng kaba ang buong puso ko.

"Asan ang kapatid ko?"

Humarap ako kay Sebastian.

"Si E-Emily...may bigla na lang k-kumuha sa kanya.."

Naiiyak kong sabi. Bigla na lang hinagis ni Sebastian yung hawak niyang softdrinks-in-can.

"Damn! Paano nangyari yun?! Ano bang ginawa mo ha?! Bakit mo siya iniwan?!"

Napapikit na lang ako habang nakayuko. Sana pala..sana hindi ko siya iniwan..

"S-sorry...sorry.."

"Sorry?! Anong magagawa ng sorry mo ha?! Maibabalik ba niyan ang kapatid ko ha?!"

Sigaw sakin ni Sebastian habang hawak niya ng mahigpit ang magkabila kong balikat.

"Tama na yan. Walang kasalanan dito si Saphie."

Sabi ni Ryan tsaka niya inalis ang pagkakahawak sakin ni Sebastian. Pinunasan ko ang luha ko gamit ang likuran ng kamay ko.

"Eh sino ang gusto mong sisihin ko?! Ha?! Ano ba kasing bulok na eskwelahang toh! Walang kwenta ang security! Paano ba nakapasok ang mga kidnappers na yan?!"

"Hoy. Wag mong idadamay ang school ng tatay ko. Eh kung tumahimik ka na kaya sa kakadada mo diyan? Para kang babae, putak ng putak."

Iritadong sabi ni Daniele. Nagulat na lang kami ng biglang sugurin ni Sebastian si Daniele. Hinawakan niya ito sa may kwelyo ng uniform ni Daniele.

"Anong sinabi mo?! Palibhasa kasi, makasarili ka! Wala kang pakielam sa nasa paligid mo!"

Pwersahang inalis ni Daniele ang pagkakahawak sa kanya ni Sebastian tsaka ito itinulak.

"Wala kang karapatang sabihan ako ng ganyan! Kung makapagsalita ka akala mo naging mabuti kang Kuya sa kapatid mo! Bakit?! Hindi ka ba makasarili ha?! Ilang taon mo bang tinakwil yang kapatid mo?! Para saan ha?! Dahil lang sa nagseselos ka sa atensyong binibigay ng parents mo sa kanya nung na-kidnapped siya!"

N-nakidnapped si Emily?

"Wag mo kong itulad sayo! Hindi ako nagseselos sa kanya! Hindi ako galit sa kanya! Pinoprotektahan ko lang siya!"

Bigla na lang umupo sa lapag si Sebastian.

"Sa tingin niyo ba, totoong mistaken identity ang dahilan ng kidnapped accident ni Emily noong first year tayo? Hindi Daniele..h-hindi.."

Gumagargal na ang boses ni Sebastian. Walang sinoman ang lumalapit sa kanya. Lahat kami nakapalibot lang. Hinahayaan lang namin siyang ilabas lahat ng saluobin niya.

Ms. Disaster and Mr. Troublemaker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon