Falling In Love

2.1K 84 2
                                        

Signs of falling in love. Nag-research ako!

------------------------------------------------------

Chapter 27

Saphie's POV

"Emily! Tulungan mo ko please! May sakit na ata ako sa puso!"

Gumulong-gulong ako sa kama. Kainis! Ano ba tong nararamdama- aaahh!

|Uy! Ayos ka lang?|

Aww. Ang sakit! Kainis! Hindi na ko ulit gugulong sa kama! Nalalaglag ako eh!

"Okay lang."

Umakyat ulit ako sa kama kung nasaan ang laptop ko.

|Hayy, ayan kasi. Sinabi ko na naman sayo diba? Hindi yan sakit sa puso.|

Tinignan ko siya sa screen. May pasok pa bukas pero eto kami at nag-uusap pa sa skype.

"Eh ano?"

|Pag-ibig yan.|

"No! No! No way!"

Dumapa ako at tinakpan ang ulo ko ng unan ko tsaka nagsisisigaw. Nakakaasar! Aaarrgghh!

|Saphie, alam mo pwede ka namang mag-quit sa deal kung ayaw mo yang nararamdaman mo.|

At mas lalong hindi pwede!

"Hindi na pwede eh."

|Bakit naman?|

"Eh kasi..mag-aalala sakin si Daddy kapag nalaman niya na hindi naman pala talaga kami ni Daniele, mas lalo akong mabu-bully sa school, hindi ko na siya mababalik sa dati at.."

At baka lumayo ulit sayo si Sebastian.

|Bakit ba hindi natin toh naisip? Pwedeng-pwede ka nga palang magkagu-|

"No! Hindi pa naman confirm eh. Normal lang siguro toh."

|Normal? Best friend, yang mga nararamdaman mo ay yung mga naramdaman ko rin kay Andrew noon at hanggang ngayon.|

Ewan ko ba. Eh..normal naman ata yung may dadaloy na kuryente sayo sa tuwing hahawakan ka niya diba? Yung tipong pag malapit ka sa kanya napapansin mo ang lahat ng nasa mukha niya. Yung minsan makikita mo na lang ang sarili mo na hinahanap mo na pala siya kapag wala siya sa tabi mo. Yung ti-

Hindi nga normal toh. Paano na? No. Hindi. Hindi ako magkakagusto sa isang mayabang, pala-asar at mayabang ulit na De Guzman na yun. Huh. Hindi. Hindi talaga.

|Hoy!|

"Ay De Gu-! Ano ba?! Nanggu-gulat naman toh eh!"

|Uy! Iniisip niya! Ang sabi ko, mago-off na ko. It's getting late. We need to take a rest. May pasok pa bukas.|

Wala sa sarili akong tumango at pinatay ang laptop ko. Bakit ba kasi ako ganito? Dun? Magkakagusto ako dun? Eh ni hindi nga yun gentleman! Trouble maker pa! Tsaka hindi na yun basta label lang. Dalawang beses ko na siyang nakitang makipag-away noh. Dalawang beses!

Pumunta ako sa kusina at kumuha ng fries. Yap. Nagpa-deliver lang ako ng dinner ko. Eto na ata ang magiging buhay ko. Kung hindi restaurant, fast food ang pagkain ko. Okay na yun kaysa naman masunog ko ang buong unit ko.

Narinig ko ang ring tone ng phone ko kaya kinuha ko yun kaagad.

"Hello?"

|Oy! Disaster!|

Napatayo ako.

"Kuya! Grabe! Miss ko na kayo. Ngayon ko na lang ulit narinig ang boses mo. Si Daddy kasi ang lagi kong nakakausap. Akala ko nakalimutan mo na ko."

Ms. Disaster and Mr. Troublemaker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon