Do you like her?

2K 84 0
                                        

May mga tao na akala mo kaibigan lang, yun pala gusto ka na.

------------------------------------------------------

Chapter 27

Saphie's POV

Ngayon ko lang na-realize ang problema ko. Kagabi? Hindi pa dahil nag-restaurant ako kagabi pero ngayon? I'm doom!

"Pano toh? Paano?!"

Bakit nakalimutan kong hindi pala ako marunong magluto? Pano na ang almusal ko?

"Hoy! Hindi ka pa ba lalabas diyan?! Male-late na tayo!"

Susmiyo. Hindi naman ako na-inform na ganito pala kaagang pumasok ang lalaking kanina pa sigaw ng sigaw sa labas ng unit ko.

"Bubuksan mo ba toh o kailangan ko pang sipain?!"

"Eto na nga!"

Wala na kong nagawa kundi ang mannerism ko. Kainis! Aaarrgghh!

"Ano ba ha?! Tara na!"

"Wait lang! Di pa ko naga-"

"Wala akong pake! Sasabay ka ba o iiwan na kita?!"

"Eto na! Eto na!"

Kinuha ko na agad ang bag ko at ni-lock ang unit ko sabay takbo para mahabol si Daniele. Muntik pa kong madapa. Ano ba yan!

"Wait! Wait!"

Buti na lang ay naka-abot ako sa elevator. Kainis! Gutom na ko!

"Aish. Sinabihan kita kagabi diba? 7 a.m. sharp. Anong oras na oh. Tss."

Nag-pout na lang ako. Malay ko ba namang hindi pala naka-on yung alarm ko. Nadulas pa ko sa kwarto, muntik pang mahulog ang towel ko sa bowl sa may CR, at ni hindi man lang ako nakapag-almusal! Grabe talaga! Pano na ko?

---

"Daniele, please na kasi. Pautang naman oh."

Grabe naman ang lalaki na toh! Pusong bato! Gutom na nga yung tao tapos ayaw pa akong pautangin. Ang sama niya!

"Psh. Ayoko nga! Isang Elenda, nangungutang sa isang poging De Guzman? Huh. Unbelievable!"

Aba! Malay ko ba namang nasa kama ko nga pala yung wallet ko! Kung hindi kasi ako pinagmadali nito edi sana hindi ko naiwan, diba?

"Kaasar naman to eh."

"Tss. Wag ka ng kumain nang mabawasan naman yang mga taba mo sa katwan."

Napataas na lang ang kanan kong kilay. What the! Buto't balat na nga ako at lahat, mataba pa rin? Hayy nako! Wag niyo kong iniinis pag gutom ako! Wala na kong nagawa kundi ang padabog na umupo sa upuan ko. Kaasar! Ano ba Saphie? Sa lahat ng kakalimutan mo, wallet pa? Seriously? Tapos ang aga-aga pa! Wala pa si Emily!

"Oh. San ka pupunta?"

Habol ko kay Daniele na palabas na sana ng room.

"Sa hide-out."

Biglang kuminang ang mga mata ko.

"May pagkain ba dun? Sama!"

"Tss. Wala! At kahit meron, hindi pa rin kita papasamahin!"

U-umalis na siya. Grabe! Iniwan ako ditong luhaan at gutom. Kainis! Naririnig ko na ang pagrereklamo ng stomach ko. Gutom na siya eh!

"H-huh?"

Bigla na lang may lumitaw na burger sa harap ko. Myghad! Nagha-hallucinate na ba ako?

"Get it. Nakakangalay."

Ms. Disaster and Mr. Troublemaker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon