Nagsisimula ng humaba ang title ng mga chapters ko -_____-
But still happy for it!
-------------------------------------------------
Chapter 3
Saphie's POV
"Waaahhh. Ayoko na! Ayoko na! Awat na!"
Sabi ko sabay higa sa kama. Wala akong pakielam kung madaganan ko pa ang mga libro ko.
|Ano ka ba? Isang oras pa lang tayong nag-aaral oh!|
Yap. That's Emily on the phone. It's almost a week na after the first day of school at masasabi kong medyo close na kami. I even called her with her own cellphone number. Di pa ba sapat na ebidensiya yun?
"Lang! Feeling ko ang tagal tagal na nating nag-aaral. 1 week pa lang pero pinapahirapan na agad tayo ng Mathematics na yan."
Ewan ko ba pero di ko talaga toh magets. Hirap! Sakit sa ulo! May nakakarelate naman siguro sakin dito diba?
|Kaya mo yan. Sige medyo pagod na rin ako. Break muna.|
"Ano skype mo?"
"Ha? Emily_14. Bakit?"
I immediately grab my iPad mini and search her name. Gotcha!
|Okay sige. What's the use of calling me in skype? Naguusap na naman tayo over the phone diba?|
Binaba ko kasi yung phone ko tsaka ko siya tinawagan sa skype.
"Wala lang. Sayang load eh. May tatanong ako sayo."
|Sabagay. Mas matuturuan kita kung naka-skype tayo. Wait lang ah. Kukunin ko lang yung whiteboard ko.|
"Eh wag na. Break nga diba? Bilis! May tatanong ako sayo!"
|Ah kaya. Ayaw mong magaksaya ng load kasi nonsense ang paguusapan natin. Sabi na nga ba eh.|
"Grabe ka namang maka nonsense! Chika lang konti."
Sabi ko. Umayos ako ng upo pero nung itutuon ko sana ang kamay ko sa kama, wala akong nahawakan. Kaya ayun. Bumagsak ako. Semplang!
|Uy! Ayos ka lang?|
Sumilip ako bigla sa kama mula sa floor kung saan ako nahulog kaya medyo nagulat si Emily.
"Uuuyyy. Nagke-care siya! Bestfriend na tayo?"
Sabi ko habang nagpapacute pa.
|Ehh.|
Ewan ko pero para naman sakin pwede na kaming maging magbestfriend. Time doesn't matter naman diba?
"Bakit ba kasi ayaw mo?"
|Eehh. Basta. Eh ikaw? Bakit ba gustong-gusto mo?|
"Never pa kasi akong nagkaroon ng bestfriend eh. Kahit nga ata True Friend wala. Disaster daw kasi ako."
Sabi ko sabay tawa.
|Well, I'm a nerd kaya wala talaga akong mga kaibigan.|
"You're not."
Halatang nagulat siya sa sinabi ko. Obvious kaya!
|How di-|
"Obvious po noh. May salamin ka lang pero may itsura ka naman. Matalino ka nga pero hindi naman laging libro ang hawak mo. Eh mas madami ka pa ngang alam na websites kesa sakin eh. Tsaka hindi ka naman tahimik. Daldal mo kaya."
BINABASA MO ANG
Ms. Disaster and Mr. Troublemaker
Teen FictionKapag ang isang babae na puro disaster ang dala at ang isang lalake na puro gulo lang ang alam nagsama, ano kaya ang mangyayari? Ano pa? Edi isang malaking kaguluhan! Pero paano kung ang isa sa kanila ay mainlove sa isa? Hindi ba mas magulo yun? Ano...
