May mga bagay tayong nakikita at mga taong nakikilala dahil ang lahat ng bagay ay may rasong hindi natin kaagad malalaman kung hindi tayo maghihintay.
-------------------------------------------------------
Chapter 39
Saphie's POV
"Kuya, I'm fine. I'm enjoying my independent life so there's nothing to worry about."
Ang kulit ni Kuya! Matagal ko na din siyang hindi nakakausap dahil naging busy siya sa school niya.
|But I can feel you're not telling me something.|
Napaisip ako. Yung kidnapped accident ni Emily tsaka yung muntik ng pagwawala ni Ryan.
"Kuya, kapag sinabi ko alam kong maghy-hysterical ka. Isipin mo na lang na they are my adventures in life. Making my life exciting."
|Hayy, naku. Sige na nga. May kailangan pa kong tapusin. Take care and love you.|
Nagpaalam na rin ako kay Kuya tsaka ko nilagay ang cellphone ko sa body bag ko. Yap. Aalis ako. Wala na kong sweet foods eh tsaka kailangan ko na talagang mag-grocery. Kakauwi ko lang galing school tsaka Intrams na bukas kaya siguradong walang quiz o kung ano pa man.
Tumayo na ko sa kama tsaka ko kinuha ang body bag ko na nakapatong sa maliit na mesa na nasa gilid ng kama ko. Napahinto ako nang may papel akong nakita na nahulog. Yumuko ako ng kaunti tsaka ko yun kinuha.
"Yung picture ni Daniele kasama ang Papa niya."
Hindi ko pa pala toh nababalik. Pano toh napunta dito? Mabuti pa ibigay ko na toh sa kanya. Lumabas na ko sa unit ko tsaka yun ni-lock. Nag-doorbell ako sa pintuan niya. Wala silang practice dahil pahinga daw muna para bukas.
"Oh. Bihis ka. Aalis ka?"
Salubong niya sakin. Nag-nod lang ako.
"Ikaw? Aalis ka din?"
Nakabihis din kasi siya. Nag-nod lang siya. Kinuha ko na yung picture sa bulsa ko tsaka ko inabot sa kanya. Gulat siyang nakatingin duon.
"Uhmm..n-nung nagkasunog sa DGU ko yan nakuha. Hindi ko nga lang nabalik kasi nawala na sa isip ko."
Hindi niya pa rin kinukuha kaya mas nilapit ko sa kanya.
"S-sorry kung..medyo nalukot. Ano kasi-"
Nagulat na lang ako nang bigla niya kong yakapin. Nahulog ko tuloy yung picture.
"U-uy! Yung pi-"
"Thank you! Thank you! Thank you talaga! Di mo alam kung paano mo ko pinasaya!"
Napangiti ako. Ghad. Napasaya ko siya? Napasaya ko siya! Maya-maya lang ay kumalas na siya sa pagkakayakap sakin.
"Asan na?"
Ngiting-ngiti pa siya kaya medyo natawa ako ng konti.
"Ayan oh. Inapakan mo."
Inusog niya yung paa niya tsaka siya yumuko para pulutin yung picture. Medyo pinagpagan pa niya yun.
"Ikaw talaga! Pero thank you talaga. Akala ko kung saan ko na toh nawala."
Napakamot ako sa ulo.
"Ang totoo hindi naman yan nawala. Kinuha ko. Akala ko kasi aabutan ng sunog yung classroom natin."
Napatigil siya sa pagpapagpag ng picture tsaka siya napatingin sakin.
"K-kinuha mo toh..sa gitna ng sunog?"
BINABASA MO ANG
Ms. Disaster and Mr. Troublemaker
Teen FictionKapag ang isang babae na puro disaster ang dala at ang isang lalake na puro gulo lang ang alam nagsama, ano kaya ang mangyayari? Ano pa? Edi isang malaking kaguluhan! Pero paano kung ang isa sa kanila ay mainlove sa isa? Hindi ba mas magulo yun? Ano...
