Okay, back to reality tayo. Ano po? Hahaa
May POV si Sharmaine! Buwahaha
---------------------------------------------
Chapter 20
Sharmaine's POV
"Tss. Umupo ka nga!"
Epal na babae toh. Kung paupuin niya si Daniele akala mo siya ang nanay. Tss.
"Ayoko eh! Tapos eto pa, gulat na gulat kamo toh nang sabihin ng Daddy niya na 'He's now part of the family'. Hahaha!"
Masiglang kwento ni Daniele habang pinapalalim niya yung boses niya. Ang saya-saya niya.
"Tse! Wag ka ngang masyadong assuming!"
"Weh? Nag-enjoy ka naman na kasama ako, diba?"
Sabi ni Daniele sabay pisil sa pisnge ng bruhildang Saphie na yun.
"Aray naman! May pi-"
Hindi ko na tinapos at pinatay ko na agad ang video sabay hagis sa likod ko ng bulok na phone na yun.
"Ay! Miss Sharmaine naman. Ingat naman po oh."
Sabi ng panget kong alipores. Tss. Sayang at nasalo niya pa ang phone niyang bulok.
"Inuutusan mo ba ako?!"
Inis kong sabi sa kanya. Masyado siyang epal! Ako? Ang isa sa pinaka-sikat na babae sa SHH kahit kaka-transfer pa lang, sinisigawan niya? Aba. Masyado naman atang makapal ang mukha niya.
"Sorry po Miss!"
"Fine! Get out of my way!"
Sabi ko tsaka ko siya tinabig para makadaan ako.
"Waahh! Cellphone ko!"
Sabi niya dahil mukhang nahulog niya ang phone niya nang tabigin ko siya. She should thank me for that cause finally, mapapalitan na niya ang cellphone niya na mas matanda pa ata sa lola ko.
Epal na video yun! They look so happy! And I hate to see that girl laughing! Ako lang ang puwedeng magpatawa kay Daniele! Ako lang!
"Uy! Sharmaine! Here!"
Isa pa tong epal na toh eh. Introducing, Christoper. Ang hari ng mga martyr. Tss.
"What are you doing here?"
Inis kong sabi sa kanya nang salubungin niya ko sa parking.
"Picking you up."
Nakangiti niyang sabi. Kung nakilala ko lang siya agad? Malamang kami na. Handsome, may sense of humor, rich, sweet and caring. Pero wala eh. Si Daniele ang kailangan ko. Siya lang.
"And who told you to pick me up?"
Sabi ko habang nakataas ang isa kong kilay.
"Me, myself and I."
"Ha-ha-ha. So funny."
I said with a sarcastic voice.
"But seriously, I'm picking you up."
"No need. I have my car."
"No. You'll ride on my car."
"Who are you to command me?"
"Me? I'm the man of your dreams."
Sabi niya sabay kindat. Aarrgghh! That line! I hate that! Kalat na kalat na dito sa school ang linyang yan. Kahit sa website nandun! Aarrgghh!
BINABASA MO ANG
Ms. Disaster and Mr. Troublemaker
Teen FictionKapag ang isang babae na puro disaster ang dala at ang isang lalake na puro gulo lang ang alam nagsama, ano kaya ang mangyayari? Ano pa? Edi isang malaking kaguluhan! Pero paano kung ang isa sa kanila ay mainlove sa isa? Hindi ba mas magulo yun? Ano...
