First Day,Worst Day

2.7K 87 0
                                        

Waahhh!

This is it!

Paanong maging boyfriend ang isang Daniele De Guzman?

----------------------------------------------------------

Chapter 8

Saphie's POV

Anong meron? Lahat ng tao, lalo na yung mga babae, nakatingin sakin. Anong problema ng mga toh? Kahit hanggang sa hallway sinusundan ako ng mga tingin nila. May dumi ba ko sa mukha?

"Saphie!"

"Emily?"

Anong meron? Bigla tuloy akong kinabahan. Sumigaw ba naman ang pinaka tahimik na tao sa school, hindi ka ba kakabahan?

"You have to see this."

"Ang ano?"

"Wrong question. Dapat sino."

Sabi niya sabay hila sa akin. Anong problema nito?

"Uy! Wait lang!"

Sa sobrang bilis niyang tumakbo habang hila-hila ako, nalaglag ko tuloy ang mga libro ko.

"Bakit ba kasi ang bilis mo? May karera ba dito? Asan ang kabayo?"

Pabiro kong tanong habang pinupulot yung mga nahulog kong libro.

"Eh basta! Tara na!"

Hinila na naman ako ni Emily. Saan ba talaga kami pupunta?

"Ano toh?"

Tumigil kami ni Emily sa tapat ng glass door. Ito yung pinaka entrance ng school. Puro pusong papel na may iba't ibang color sa lapag.

"Follow them. They'll lead you on the right path."

Sabi sakin ni Emily. Bigla kong naalala ang nightmare ko noong first day.

"No."

Sabi ko. Sa pagkaka-alala ko, napahiya lang ako nang sundan ko ang mga yan.

"Please sige na. Grabeng puyatan ang ginawa namin ni Kuya para lang diyan."

Bigla akong napangiti nang banggitin niya ang salitang Kuya. Bigla akong may naalala. Part siguro toh ng deal. Tama. Part lang toh. Huminga ako ng malalim tsaka tumango kay Emily. Tumalikod na ko para maglakad nang bigla akong tawagin ni Emily. Nagulat na lang ako nang bigla niya kong yakapin pagka harap ko sa kanya.

"O bakit?"

"Kung anoman ang ginawa mo kay Kuya maraming maraming salamat. Salamat at pumayag ka kay Kuya."

Wait. Sinabi ni Sebastian?

"Sinabi niya sayo?"

"Tinanong ko kasi siya and he told me na kaya ka nag-agree dito ay para tulungan sila ni Ryan na ibalik ang tunay na Daniele. Thank you very much. I know you can do it."

Nakangiti niyang sabi sakin. Ahh yun pala yun. Ningitian ko rin siya bago ako tuluyang maglakad. Gaya ng nasa panaginip ko, the hearts lead me on the gym. Ganung-ganun ang ayos nito tulad ng nasa panaginip ko. Wala nga lang table pero nagkalat ang mga hugis pusong lobo.

Biglang lumabas ang ilang members ng Daniele Angels na may hawak na placard.

Will you be my girlfriend?

Oh. My.

Hindi ko toh ineexpect. Kinareer niya talaga ah?

"Hoy. Ms. Disaster, tayo na ha?"

Ms. Disaster and Mr. Troublemaker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon