Danger alert!
------------------------------------------------
Chapter 30
Saphie's POV
"Oh? Ang aga pa naman eh."
Antok kong sabi habang kinukusot ko pa ang mata ko. Gabi na kami nakauwi ni Daniele. Buti na lang ay may nakita kaming taxi na paparada na sana at napakiusapan lang namin. Bihis na naman ako pero inaantok pa rin ako. Idagdag mo pa yung pagkasunog ng ilang itlog na niluto ko. At least masarap naman yung ibang matino.
"Pero male-late na tayo.."
Halatang antok pa din si Daniele. Medyo ginulo niya pa ang buhok niya tsaka tumingin sakin.
"Hayy. Tara na nga. Alam mo? Mas maganda ka kapag nakapusod hindi yung nakaharang yung buong buhok mo sa mukha mo. Tara na!"
Nagising bigla ang diwa ko. Hindi dahil sa biglang paghila sakin ni Daniele kundi dahil sa sinabi niya. Tss. Kung sinabi niya yun agad sakin edi sana palagi na kong naka-ipit! Teka, ano?!
"Bilis..bilis.."
Bulong ni Daniele pagpasok namin sa elevator.
"P-pwede mo ng bitawan ang kamay ko."
Naiilang kasi ako. Nandito na kami pero magkahawak pa rin ang kamay namin. Buti sana kung nasa school kami eh kaso wala naman.
"May nakalimutan akong sabihin sayo kagabi."
"Ano?"
Itinaas niya ang kamay namin na magkahawak.
"Sa isang relasyon, kailangan pareho kayong nakakapit, walang bibitaw. Kasi kapag bumitaw yung isa madali itong matitibag. Kaya dapat sa isang relasyon, pareho kayong lumalaban hindi yung isa lang. Pareho dapat."
Tumango ako. Nasa 'Teacher Love' mode pala siya.
Dapat parehong lumalaban.
Sige. Tatandaan ko yan.
"Tara na! Bilis!"
Tumakbo na agad kami sa may parking at sumakay ng kotse niya na sa tingin ko ay napagawa na ng driver nila kahapon.
"Bilis!"
Tumakbo ulit kami habang hila-hila niya ang kamay ko. Ilang bes din akong muntik ng madapa. Wala ng tao sa labas kaya for sure late na kami.
"Mr. De Guzman, Ms. Elenda! You're late!"
Patay. Si Ma'am Theresa pa pala ang teacher namin sa first subject. Kung mina-malas ka nga naman.
"Sorry po Ma'am!"
Sabi ko. Nagba-bow pa ko kahit hindi naman ako Korean.
"Tss. Tara na nga! Okay lang yan!"
Napaka bastos talaga nito! Hindi man lang niya pinansin si Ma'am Theresa at kaagad niya kong hinila papunta sa upuan namin kaya hindi ko naiwasan yung isang upuan at nabangga ako dun. Tumingin samin ng masama si Ma'am Theresa tsaka ko ipinakita sa kanya ang expression ko na para bang humihingi ng tawad tsaka pauli-ulit na nag-bow. Tumigil lang ako nang makita ko na siyang ngumiti at nagpatuloy sa pagsusulat sa board.
"Ang bastos mo! Sa susunod magso-sorry ka muna sa mga teacher pag ganun."
Inis kong sabi kay Daniele. Saglit siyang tumingin sakin.
"Opo, Teacher Better."
Sabi niya sabay pasok ng earphones niya sa tenga niya tsaka dumukdok sa upuan. Matutulog siguro. Napabuntong hininga na lang ako.
BINABASA MO ANG
Ms. Disaster and Mr. Troublemaker
Teen FictionKapag ang isang babae na puro disaster ang dala at ang isang lalake na puro gulo lang ang alam nagsama, ano kaya ang mangyayari? Ano pa? Edi isang malaking kaguluhan! Pero paano kung ang isa sa kanila ay mainlove sa isa? Hindi ba mas magulo yun? Ano...
