KUP II: Chapter 22 - A baby on picture.

5.4K 75 28
                                    

"Ako AB, papayag akong isalin ang dugo ko sa kanya."

"Ako AB, papayag akong isalin ang dugo ko sa kanya."

"Ako AB, papayag akong isalin ang dugo ko sa kanya."

Bea's POV

Hindi ako makapaniwala. Anong ginagawa nya dito? Bakit kailangan sya pa? Bakit kailangan sya pa ang tumulong kay Jake? Bakit hindi ako? Alam kong walang magagawa yung dugo ko dahil hindi kami match ni Jake, pero bakit kailangan sya pa? Parang nakaka-ramdam lang ako ng . . . Ewan, masyado akong ma-pride para isipin to. Dapat nga mag-pasalamat pa ko sa kanya, kung hindi dahil sa kanya baka wala na si Jake.

Elmo: Bea, ok na. Nag-papahinga na si Jake sa kwarto nya. Hintayin na lang natin syang magising.

Bea: Ok, Moe, nasan sya?

Elmo: Ahmm, nag-papahinga din sa kwarto ni Jake.

Bea: Mamaya na lang ako papasok.

Elmo: Sigurado ka?

Bea: Oo.

Hindi ko sya kayang tignan. Ewan para kasing may mali. Ewan, nag-seselos ba ko? Bakit naman? Kasi sya AB, ako hindi. Parang ganun yung feeling ko ngayon.

Lahat sila, nasa room ni Jake. Si Kuya naman tulog sa kwarto nya. Maya maya may bumukas ng pinto sa room ni Jake. Lord sana hindi sya.

Joyce: Bei.

Wooooh, salamat at hindi sya.

Joyce: Hindi ka papasok?

Bea: Mamaya na lang.

Joyce: Ok na si Jake. Wag ka ng malungkot dyan.

Bea: Masaya ako kasi ok na sya.

Joyce: Sus, parang hindi.

Bea: Baliw ka talaga, syempre oo.

Joyce: Alam ko, pero bakit?

Bea: Anong bakit?

Joyce: Dahil ba kay . . ?

Bea: Hindi ko alam Joyce eh. Feeling ko, hindi pa rin ok ang lahat.

Joyce: Dahil bumalik sya?

Bea: Ewan, tapos sya pa yung parang nag-dugtong ng buhay ni Jake.

Joyce: Bei, naman. Lahat naman ginawa mo eh.

Bea: Pero sya pa rin yung bumuhay kay Jake.

Joyce: Bei, alam mo praning ka rin eh. Nag-donate lang sya ng dugo kay Jake. Eh ikaw? Ang dami mong ginawa para kay Jake.

Bea: Alam ko, pero hindi kasi maalis sa isipan ko eh.

Joyce: Bea naman, kahit hindi mo dugo yung sinalin kay Jake ikaw pa rin ang mahal ni Jake.

Napa-ngiti na lang ako kay Joyce. Oo nga naman, kahit hindi ko dugo yun alam kong ako pa rin ang mahal ni Jake.

Joyce: Tama na nga yang ka-praningan mo. Tara na sa loob, baka ikaw na lang ang hinihintay ni Jake para gumising na. 

Bea: Tara na nga.

Pumasok na nga kami sa loob. Pag-pasok namin, tumahimik sila. Napatingin ako sa kanya. Ngumiti ako pati naman sya naka-ngiti pero nasa tabi sya ni Jake , kaya sa may sofa ako umupo.

Tahimik lang, nakaka-bingi nga eh. Walang nag-sasalita, ang awkward lang. Nakita ko pa na hinahawakan nya yung buhok ni Jake. Ano ba? Dapat ba kong mag-selos? Bakit nya ba to gingawa? Sila ba? Pero sabi ni Jake, wala syang girlfriend. Ako lang, pero bakit? Naku, yari to sakin si Jake pag-nagising eh. Heler! Buntis na ko ah.

Kahit Umiwas Pa.. (JhaBea FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon