KUP II: Chapter 48 - Home Sweet Home.

4.6K 69 44
                                    

Bea's POV 

Limang araw na ang nakalipas simula nung umuwi kami ng bahay. Walang pinagbago, ang tahimik pa rin ng bagong bahay namin. Akala ko nga iingay na to, kasi dadating na yung baby namin. Hindi nga ko sanay na ang liit na pala ng tyan ko. Araw araw namin dinadalaw si Baby Beatriz sa hospital. Para mabantayan yung kalusugan nya. Ang dami dami ko na rin iniisip, sa sobrang dami minsan si Jake na ang pinapaka-usap ko kay Doc Dave, feeling ko kasi wala rin ako maiintindihan sa sasabihin nya. Pero nakikinig din naman ako, yun nga lang ayaw ko na lang mag-salita puro kasi sya ok, eh bat ayaw pa nya palabasin si Baby Beatriz ko para makasama na namin.

Andito nga pala ako sa front door, wala lang tambay lang dito habang nakatayo ako dito sa may pintuan. Tapos yung left side ko nakasandal. Tinitignan yung view, ung mga halaman tsaka yung ingay ng hangin. Tulad ng sabi ko kanina, nag iisip ako. Naramdaman ko na lang na may lumusot na mga kamay sa gilid ko at yumakap sakin mula sa likod. Alam kong si Jake to, amoy pa lang nya alam ko na. Nilagay nya pa yung ulo nya sa may balikat ko. Hindi sya nag sasalita, nakatingin lang din sya sa tinitignan ko. Kaya hinayaan ko na lang sya. Mga minuto din na ganun ang pwesto namin at bago sya mag salita.

Jake: Anong ginagawa mo dito? Ang hangin ah, tsaka bat hindi ka mag pahinga?

Sabi nya habang ganun pa rin ang pwesto namin.

Bea: Wala lang. Nag papahangin lang.

Jake: Ganun ba.

Bea: Ikaw? Bat ka andito? Akala ko ba inaantok ka kanina?

Jake: Ehh kasi hindi rin ako makatulog wala ka naman sa tabi ko.

Kanina kasi after namin mag lunch sabi nya inaantok daw sya. Kaya pina-akyat ko na sya, susunod sana ako kaso may naalala ako at dinala ako ng mga paa ko dito. Kaya hindi na ko nakasunod sa kanya sa taas.

Bea: Edi tara na sa kwarto.

Jake: Ayaw ko hindi na pala ako inaantok.

Tumingin ako sa kanya, pag tingin ko straight pa rin ung tingin nya tapos nakangiti sya. Kahit side view, ang gwapo nya pa rin. Ano ba yan! Kung ano ano pa iniisip ko.

Jake: Wifey.

Bea: Hmm?

Jake: Sabi ko sayo dati diba, gagawin ko lahat mapasaya lang kita.

Bea: Oo, napapasaya mo naman ako ah.

Jake: Feeling ko, kulang pa eh.

Bea: Bakit naman?

Jake: Kasi alam kong may kulang pa.

Bea: Ok lang, alam ko naman na ginawa mo ang lahat. Tsaka hindi mo naman kasalanan na nag kaganun si baby eh.

Jake: Kaya nga, gusto ko ng punuin yun eh.

Bea: Anong ibig mong sabihin?

This time, humarap na ko sa kanya. Bale, hindi na sya nakayakap sakin.

Jake: Kaya ako bumaba dito, kasi kakatawag lang sakin ni Doc Dave, may good news daw sya satin. At pinapapunta nya tayo sa hospital.

--

Pag kasabi ni Jake sa good news nya, agad agad kaming pumunta sa hospital. Sinama na din namin si mommy. Andito na kami ngayon sa hospital at hinihintay si Doc Dave. Hindi na ko makapag-hintay na marinig kung ano man ang sasabihin samin ni Doc Dave. Nang pumasok na sya dito, bumati muna sya bago sya umupo. Nakangiti syang humarap samin.

Jake: Doc, ano po yung good news nyo?

Tanong ni Jake kay doc.

Doc: Baby Beatriz is now ok. As in very ok.

Kahit Umiwas Pa.. (JhaBea FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon