KUP II: Chapter 8 - Happy <3

5K 64 16
                                    

Jake's POV

After ng meeting ko with Kuya AJ, nag-kwentuhan muna kami.

Aj: So kamusta ka na Jake?

Jake: Ayos lang ako. Kayo po? May asawa na ba kayo?

Aj: Wala pa. Ate mo kamusta? Wala na akong balita sa kanya eh.

Jake: Ayun single din.

Aj: Imposible, wala man lang nanligaw sa kanya doon?

Jake: Busted lagi eh.

Aj: Ate mo talaga oh.

Jake: Eh kayo po? Bakit wala pa?

Aj: Wag muna, ayaw ko pa.

Jake: Eh yung kapatid mo po ikakasal na . Naunahan pa po kayo.

Aj: Wala na akong magagawa dun. May sarili na silang buhay ngayon, hindi na katulad dati na mako-control ko pa sila. Tsaka nag-paalam naman sakin si Rick bago sya mag-propose kay Bea. Sabi ko, sige ikaw bahala. Basta wag nya lang sasaktan kapatid ko.

Jake: Mahal nya naman si Bea eh. Noon pa man, mahal nya na talaga si Bea. Kaya wag kayo mag-alala hindi nya sasaktan si Bea.

Aj: Eh ikaw?

Jake: Ano pong ako?

Aj: Mahal mo pa ba kapatid ko?

Jake: Ayaw ko na po mang-gulo Kuya AJ. Ayaw ko na po maulit yung nakaraan, yung mga nang-yari noon. Masaya na sya ngayon, ok na yun sakin.

Aj: Sorry, sa nagawa ko noon. Ang gusto ko lang naman, maka-tapos lang muna sila ng pag-aaral eh. Nung grumaduate naman na sya, hindi ka na bumalik. Kaya ayun nag oo sya kay Rick.

Jake: Sobra din kasi yung mga nang-yari noon Kuya AJ eh. Ang daming nang-yari , ang daming nadamay. Kaya napag-isip isip ko, wala ng dahilan para bumalik ako dito. Sabi ko, kung kami talaga dadating din yun. Pero mukang hindi na, ikakasal na sya eh. Wala na kong magagawa dun, kundi maging masaya na lang para sa kanya.

Napatahimik na lang kaming dalawa ni kuya AJ. After pa ng ilang minutes umuwi na rin ako sa bahay. At naabutan ko si Elmo na nag-gigitara.

Jake: Kailan mo balak sabihin sakin na ikakasal na si Bea kay Rick?

Mahinahon lang yung pag-katanong ko, gusto ko lang naman kasi malaman kung kailan nya balak sabihin sakin.

Elmo: Jake.

Jake: Ha? Moe, kailan mo balak sabihin yun sakin? Pag ikakasal na sya, sa araw ng kasal nya.

Nagagalit ako sa kanya, pero ayaw kong mag-away kami. Kaya hangga't maari ayaw kong syang sigawan. Kalma lang yung pag-tatanong ko sa kanya.

Elmo: Ayaw lang kita masaktan bro. Kasi kahit hindi mo sabihin sakin, alam kong sya pa rin ang mahal mo.

Jake: Pero sana man lang sinabi mo sakin na ikakasal na sya. Pero hindi eh. Hindi mo sinabi.

Elmo: Para san pa Jake? Kung sinabi ko sayo may mag-babago ba? Wala diba? At bakit ba ganyan ka maka-react? Akala ko ba naka move on ka na?

Jake: Bro, yun ang akala ko. Pero nung nakita ko sya kanina, nahawakan ko sya ulit, nayakap ko sya ulit, naka-usap ko sya ulit. Iba yung feeling, nabuhay yung puso ko, nag-karoon ng buhay ulit. Pero nang malaman kong ikakasal na sya, kung ano yung naramdaman ko noon, doble na ngayon. Bro, ang sakit eh. Masakit, ang sakit sakit sobra.

Pinipigilan kong tumulo yung mga luha ko. Hindi ko alam, pero nasasaktan talaga ako. Akala ko kasi talaga naka-move on na ko. Pero nung nakita ko sya kanina, takte nag-iba na naman.

Kahit Umiwas Pa.. (JhaBea FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon