KUP: II Chapter 43 - Scrapbook.

4.3K 56 9
                                    

Jake's POV

Nasa trabaho ako ngayon, ang dami kasi pinapagawa nila daddy sakin. One week na kaya akong ganito. Minsan nga uuwi ako ng bahay tulog na si Bei, tapos pag gising namin wala pa sya sa mood. Ganun ata daw kasi yun eh, pag umaga wala sa mood yung mga buntis. Kaya hindi na rin kami nakakapg usap ng matino. Tapos busy din sya sa company nila, kasi nga malapit na yung maternity leave nya. Ang aga no? Ako kasi nag sabi nun eh. Para sa bahay na lang sya.

Ring! Ring!

May tumatawag sa telepono. Sinagot ko naman.

"Sir, dumating na po yung mga documents from states."

"Ahh, sige papakuha ko na lang sa secretary ko. Salamat."

"Welcome sir."

Binaba ko na rin yung phone. See, meron na naman bagong darating.

Ring! Ring!

May tumatawag na naman. Sino naman kaya to?

Jake: Hello.

Chris: Bro si Chris to.

Jake: Oh Chris, kaw pala. Napatawag ka?

Chris: Tumawag sakin yung engineer ng bahay mo.

Jake: Oh bakit daw?

Chris: Tumatawag daw sayo hindi mo naman sinasagot.

Jake: Wait lang.

Kinuha ko yung phone ko na nakalagay sa may drawer. May mga missed calls nga ko. Naka-vibrate lang kasi kaya hindi ko siguro namalayan.

Jake: Meron nga syang missed call. Bakit daw?

Chris: About nga dun sa bahay syempre.

Jake: Ano nga daw?

Chris: Bro, puntahan mo na lang.

Jake: Bakit nga? May ginagawa pa ko eh.

Chris: Ayaw mong makita yung bahay mo?

Jake: Bakit tapos na ba?

Chris: Hindi pa naman, finishing na nga eh. Kaya gusto nya makita mo muna bago yung kabuuan.

Jake: Sige, kailan ba pwede?

Chris: Sabado daw.

Jake: Sige samahan mo ko.

Chris: Sure.

Jake: Sige na masyado ka ng in love sa boses ko eh.

Chris: Baliw, sige bro.

Jake: Bye.

Binaba ko na yung phone. Finishing na pala yung bahay, naging busy kasi ako kaya hindi ko na gano napupuntahan. Gusto ko na rin sya makita, gusto ko na rin tumira dun kasama si wifey pati syempre yung baby namin at yung mga magiging anak pa namin. Pupunta ako sa sabado, pero si Chris lang kasama ko. Gusto ko kasi makita yun ni Bei pag yung buo na tsaka yung titira na sya dun. Ang saya siguro nun, kasama mo yung pinakamamahal mong babae. Excited na ko sa lahat nang mangyayari samin, kahit negative basta alam kong malalagpasan namin yun basta mag kasama kami.

Kahit Umiwas Pa.. (JhaBea FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon