KUP II: Chapter 13 - Higpit ni Rick.

5.4K 64 22
                                    

AJ: You're late again. Kung hindi late, absent.

Bea's POV

Yan ang bungad sakin ni kuya pag-kapasok ko sa trabaho.

Bea: Sorry.

AJ: San ka na naman galing? Hindi ka na naman umuwi ng bahay kagabi.

Bea: Kuya kasi . . .

Knock! Knock!

Napalingon kami sa pintuan.

Bea: Pasok.

Pag-bukas nung pintuan si Joyce pala. Ang daming dala na mga folders.

Joyce: Good morning Kuya AJ, Good morning Bea.

AJ: Good morning.

Bea: Good morning din Joyce. Bakit nga pala?

Joyce: Nakalimutan mo sa bahay.

Tinaas nya yung mga folder tapos yung reaction ng face nya parang may meaning. So, get ko na.

Bea: Ahhh, oo nga pala. Thank you.

Kinuha ko naman na yung mga folders.

Joyce: Kuya AJ, samin na kasi naka-tulog si Bea eh. Kasi tinapos namin yung project namin. Sorry po.

AJ: Ganun ba. Ok lang. Ang akin lang sana tumawag kayo, hindi yung nag-aalala ako sayo.

Bea: Sorry po Kuya. Hindi na mauulit.

AJ: Sige, mauna na ko. Tapusin nyo na yung mga dapat nyong tapusin.

Nag-nod na lang kami ni Joyce tapos umalis na si Kuya.

Joyce: Bei, san ka ba kasi nang-galing? Alam mo ba kagabi teks ng teks si Rick sakin, kasi ang alam nya mag-kasama tayo. Tapos tineks ko si Barbie hindi ka pa nga daw umuuwi. Ano ba kasi nang-yari sayo?

Ang cute ni Joyce. Haha, pinapagalitan pa ko. Kung alam nya lang, kung gano ako kasaya ngayon. Ngumiti ako kay Joyce.

Joyce: Bea, seryoso ako dito. Tapos ikaw, ngiti ngiti lang dyan.

Bea: Joyce, masaya lang ako. Kaya wag ka na magalit sakin.

Joyce: Hmm. Bakit? Ano meron?

Tinignan ko si Joyce. Sasabihin ko ba?

Bea: Magagalit ka ba sakin, pag naka-gawa ako ng kasalanan? I mean, hindi naman sya totally kasalanan, ginawa ko lang yung dapat kasi pag pinag-patuloy ko yun may masasaktan lang.

Joyce: Hindi kita gets Bei eh. Diretsuhin mo na ko.

Bea: Joyce.

Hinawakan ko yung kamay nya.

Joyce: Ano?

Kahit Umiwas Pa.. (JhaBea FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon