KUP: Chapter 5 - Am I happy with him?

4.8K 67 33
                                    

Bea's POV

One week after, simula nung nag-propose sakin si Rick. Sobra akong nagulat nun, unexpected kaya. Hindi ko naman alam na sa mismong birthday ko, yayayain nya ko mag-pakasal. At hindi ko rin alam na may balak pala talaga syang pakasalan ako, alam ko naman kung gano nya ko kamahal, pero ang gulo lang kasi eh. Bakit, ako mismo hindi ko alam, hindi ko sure kung sya na ba talaga. Ano ba tong nararamdaman ko hindi ko maintindihan.

*Flashback*

Hindi ko alam kung ano yung isasagot ko sa kanya nung mga oras na yun. Pero kitang kita ko sa mga mata nya kung gano sya kasabik na sabihin kong oo.

Bea: Rick.

Rick: Bea, mahal kita. Pangako ko sayo, hinding hindi kita sasaktan aalagaan kita. Bea, will you marry me?

Ilang minuto din ang lumipas bago ko sya sagutin sa tanong nya.

Bea: Yes Rick, I will.

Rick: Thank you.

Sinuot nya na nga sakin yung singsing at niyakap nya ko. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang tumulo yung mga luha ko nun, masaya ba ko? Masaya naman ako eh. Pero bakit lagi na lang may "PERO?" na pumapagitna pag sinasabi kong masaya ako sa kanya at mahal ko sya. Parang may kulang.

*End of Flashback*

Rick: Bat tahimik ka?

Bea: Ha?

Nagulat na lang ako sa kanya nang inalog nya ko. Nandito nga pala kami sa isang resto, kumakain lang ng lunch.

Rick: Bat tahimik ka? Kanina ka pa tulala?

Bea: Ahh, wala may iniisip lang.

Rick: Ano?

Bea: Trabaho.

Rick: Wag ka masyado mag-papakapagod.

Bea: Yup.

Rick: Oo nga pala, tumawag sakin sila Daddy dadating daw sila sa araw ng kasal natin.

Bea: Talaga?

Binigyan ko lang sya ng fake smile, sana hindi nya napansin. Dadating yung parents nya, tapos ako hindi sure sa anak nila. Nakakahiya naman.

Rick: Yup, excited ka na ba?

Bea: Oo naman, wala naman sigurong babae ang hindi ma-eexcite kasi ikakasal sila diba?

Nag-sisinungaling ka Bea. Grrrrr.

Rick: Excited na rin ako.

Bea: Ahmm Rick, mauna na ko sayo ah. May meeting pa kasi ako mamaya, aayusin ko pa yung mga gamit ko.

Rick: Hatid na kita sa opisina mo.

Bea: Wag na, ako na lang dala ko naman yung sasakyan eh. Tawagan na lang kita mamaya.

Rick: Sige. Ingat ka ha. I love you.

Bea: I love you too. Bye.

Hinalikan nya ko sa noo at umalis na din ako. Pinuntahan yung meeting ko.

Kahit Umiwas Pa.. (JhaBea FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon