KUP II: Chapter 55 - Japs's date.

3.8K 62 9
                                    

Japs's POV

My god! Kinakabahan ako. Hindi naman kasi nasabi sakin ni Jake na ganto pala kagwapo yung kaibigan nya. We've been texting kasi since na binigay ni Jake yung number ko sa kanya. Nag kakausap na rin kami sa phone, kaya may mga alam na rin ako sa kanya. Tapos ang sexy ng voice nya, nakakakilig.

Sabi pa nga nya, gusto nya daw yung babae na hindi nya pa kilala. Yung parang destiny, mag tatagpo na lang kayo. Kaysa daw sa mga friends nya or kakilala ng mga friends nya o kaya ung mga anak ng kaibigan ng magulang nya. So ayun nga napag usapan na rin namin yung about kay Jaylee, sabi nya ok lang daw. Gusto nya nga rin makilala si Jaylee eh, pati daw yung tatay. Sabi ko wag muna ngayon, kasi unofficial pa naman kami. Naks, may unofficial unofficial pa kong nalalaman.

Kasi ayaw ko naman kasi na mag kamali no, ayaw ko ng sunggab lang ng sunggab pano kung hindi pa pala sya. Edi napag iwanan na naman ang lola nyo. Kaya sabi ko sa kanya hanggang date muna kami, o kaya getting to know each other stage muna kami.

So ngayon nga, makikipag kita ako sa kanya. First time namin mag kita ngayon kahit two months na kaming mag kateks, mag kausap sa phone, magkachat sa FB, mag kaDM sa twitter. Nakita ko naman na sya sa picture nakita nya na rin ako, pero hindi ko alam sa personal mas gwapo syaaaa.

Palapit na ko sa kanya, andito na kasi sya. Ang sabi nya naka blue polo sya tapos may coat. Ang formal nya. Ako naman, naka dress lang na stylish. This is it. Huminto ako sa may harapan ng lamesa, nakayuko kasi sya habang tumitingin dun sa menu. Unti unti naman nag angat yung ulo nya.

"Japs?"

Ngumiti ako at nakangiti din sya. Jeez, ang gwapo. At kahit naka long sleeve sya kita mo yung mga muscle nya. Walang sinabi yung kay Elmo. Ano ba! Bat ba yun ang naiisip ko? Tumayo sya sa may harapan ko.

"Hi!"

Japs: Hello.

Waaaaah, ano ba! Kinakabahan ako. Sya din ata, medyo halata sa muka nya. Pinag papawisan pa ata sya.

Japs: Enrique.

Inabot nya rin sakin yung kamay nya inabot ko rin naman. Ang lambot ng mga kamay nya.

Enrique: Have a sit.

Inusod nya pa yung upuan ko para makaupo ako, nang makaupo na ko umupo na rin sya.

Enrique: Ahhm, how are you? Nahirapan ka bang hanapin tong restaurant?

Japs: I'm good. No, hindi naman. Matagal ka na bang nag hintay?

Enrique: No, actually kararating ko lang din. Buti naman pumayag ka ng makipag-kita sakin.

Japs: Matagal na rin naman tayong nag kakausap. So siguro right time na para makita kita at mag kakilala pa tayo ng lubos.

Enrique: Wow, ang lalim ah. Haha, joke lang.

Natawa kami parehas dun. Shemay ang gwapo nya pala talaga. Jake, lagot ka sakin.

Nag order na rin kami, tapos nalaman ko mahilig din sya sa mga sea foods, mukang mag kakasundo sila ni Jaylee ah.

Enrique: Bat hindi mo sinama si Jaylee? Tama ba Jaylee name nung son mo?

Japs: Ahh, oo. Eh andun sa daddy nya eh.

Enrique: I wanna meet him.

Japs: Next time siguro, pag nasa sakin sya.

Enrique: Sabi mo yan ah. So may next time pa tong pag kikita natin ah.

My god, ang ngiti nya na naman. Ang tangos pa ng ilong.

Japs: Oo naman, bakit naman walang next time diba.

Enrique: Ayos.

Japs: Haha, kumain na nga muna tayo.

Kahit Umiwas Pa.. (JhaBea FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon