KUP II: Chapter 47 - Going home.

4.5K 60 29
                                    

Bea's POV

6:36 ng umaga, maaga pa pero gising na ko. Nandito pa rin ako sa hospital, hanggang ngayon hindi ko pa rin nakikita yung Baby Beatriz ko. Gustong gusto ko na syang makita, kahit makita ko lang sya kahit hindi ko pa sya mahawakan basta makita ko lang sya. Kasama ko sa kwarto si Jake lang, kagabi bago sya matulog andun sya sa sofa nakahiga, ewan ko bakit dito sya natulog, dito nakaupo sya sa upuan tapos nakayuko lang yung ulo nya sa may kama ko, hawak hawak nya rin yung kamay ko. Binitawan ko muna yung kamay nya ng dahan dahan, tapos kinuha ko yung cellphone nya na nakalagay sa side table ko. Nag halungkat lang ako ng kung ano ano. Natutulog pa kasi sya, ayaw ko naman syang gisingin alam kong puyat na puyat na sya. Maya maya nabored na rn ako mag cellphone. Binalik ko na to sa lamesa ulit. Walang magawa, boring, nakahiga lang ako dito. Hindi ako sanay. Hinawakan ko na lang yung buhok ni Jake, ginugulo ko, tapos aayusin ko din. Mukang ewan lang diba? Guguluhin ko tapos aayusin ko din ulit. Haaaay, ang boring na talaga. Maya maya gumalaw na yung ulo nya. Dahan dahan din syang dumilat at ngumiti naman sya sakin nang makita nya ko.

Jake: Gising ka na pala. Kanina ka pa gising?

Bea: Oo, nahalungkat ko na nga yung phone mo eh.

Jake: Ganun. Bakit hindi mo ko ginising?

Bea: Ang sarap kasi ng tulog mo. Alam ko naman na puyat ka kaya hindi na kita ginising.

Jake: Gutom ka na ba?

Bea: Nakakaramdam na ng gutom.

Jake: Sabi kasi ni ate pupunta daw sya dito ngayong umaga para mag dala ng breakfast natin. Tawagan ko lang ah.

Bea: Ok.

Kinuha nya na nga yung phone nya tapos tumayo, pumunta banda dun. Nakatingin lang ako sa kanya habang kino-contact nya si Ate Kris.

Jake: Good morning ate.

Jake: Ahh ganun ba, sige hintayin ka na lang namin malapit ka na rin pala eh.

Jake: Ok. Sige salamat.

Tapos binaba nya na yung phone.

Jake: Malapit na daw si ate.

Bea: Si kuya ba kasama tsaka si Barbie?

Jake: Hindi ko na natanong eh. Pero mukang sya lang mag isa eh.

Bea: Ganun ba.

Jake: Mamaya na pala tatanggalin yung tube na nasayo.

Bea: Oo nga. Mamaya ko na rin makikita si baby.

Jake: Kaya nga, sana payagan tayo na mahawakan man lang sya.

Malungkot si Jake, alam ko yun. Pero pinipilit nya lang ngumiti. Alam ko naman yung nararamdaman nya, kasi nararamdaman ko rin yun.

Jake: Ahmm, Bei.

Bea: Hmm?

Tinignan ko sya, parang ang seryoso nya. Tapos umupo pa sya sa tabi ko.

Bea: Bakit?

Jake: Ok lang ba sayo na, umuwi na tayo ng bahay bukas?

Bea: Oo naman. Talaga? Pwede na ko lumabas bukas?

Jake: Oo pwede na.

Bea: May problema ba?

Humawak sya sa kamay ko. Bago sya mag salita.

Jake: Maiwan kasi si baby dito eh.

Bea: Alam ko.

Jake: Alam mo?

Bea: Jake naman, syempre alam ko kasi kailangan nya pang mag pagaling diba? Kaya kailangan nya pang mag stay dito.

Jake: Pero sabi naman ng doctor, weeks lang. After nun, pwede na natin iuwi si baby.

Kahit Umiwas Pa.. (JhaBea FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon