KUP II: Chapter 60 - Lexi's POV.

3.7K 52 8
                                    

Chris' POV

Pag-baba ko ng sasakyan, nakita ko agad palabas yung sasakyan ni Bea. Nandito kasi ako ngayon sa tapat ng bahay nila, hindi ko alam kung nakita niya ko. Kaya pumasok na lang ako sa gate bukas na lang din naman eh. Nakita ko nga si Jake buhat si Beatriz papasok na sa loob.

Chris: Bro.

Tawag ko sa kanya, at humarap naman sya.

Chris: Naks, house husband ah.

Bungad ko sa kanya sabay ngiti ng may halong pang aasar. Lumapit ako sa kanila.

Chris: Hello, Baby Beatriz.

Pinisil pisil ko si Beatriz nakakagigil kasi tong batang to eh. Sinuway pa nga ko ni Jake eh, baka daw kasi umiyak.

Chris: San punta ni Bei?

Tanong ko na lang.

Jake: Sa hospital.

Sagot nga at medyo kumunot ang noo ko dun.

Chris: Bakit? Anong nangyari na naman kay Rick?

Jake: Ayun, edi yung sakit nya.

Chris: Hindi ka ba natatakot?

Biglang tanong ko lang. Medyo umiwas pa sya ng tingin.

Jake: Hindi, bat naman ako matatakot? May tiwala ako kay Bei.

Sagot nya at naintindihan ko naman yun.

Chris: Si Bea oo, pero si Rick, kilala mo naman yun eh.

Jake: Sa sakit ni Rick na yun, wala ng kayang gawin yun. Alam mo yun? Ayaw kong maging masama kay Rick, nag sasabi lang ako ng totoo.

Chris: Bahala ka, ikaw din.

Jake: Bat ka nga pala andito.

Chris: May tatanungin lang sana sayo.

Jake: Sige pasok na lang tayo sa loob, bigay ko lang din si Beatriz kay mommy at maliligo na rin to eh.

Kahit Umiwas Pa.. (JhaBea FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon