KUP II: Chapter 49 - Happy Family.

5K 59 13
                                    

Bea's POV

One month ngayon ni baby, ang bilis lang ng panahon. Naging madali naman samin ni Jake ang pag-aalaga kay baby syempre sa tulong din ni mommy. Ngayon, buhat buhat ni Jake si baby dun sa may sala. Kami naman ni mommy, andito sa kusina. Tinutulungan ko sya mag-luto. Tinuturuan nya naman ako, kaya medyo marunong na din ako mag-luto. Ganto lang kasi gusto ni Jake, simpleng buhay lang daw basta mag-kakasama kami. Kaya gusto ko na rin matuto ng mga iba't ibang gawaing bahay.

Bea: Ma, ok na po ba to?

Nag scoop ako ng unting sabaw, para patikim kay mommy. Pumunta naman sya sakin para tikman.

Mom: Masarap Bei, tama yung pag-lagay mo ng asin.

Bea: Talaga po?

Mom: Oo. Oh, malambot na rin ata yung karne, patayin mo na after five minutes.

Bea: Sige po.

Hinalo halo ko na lang yung niluluto ko, tapos si mommy pinagpatuloy yung hinihiwa nya para sa mga sahog daw ng lulutuin nyang pansit. Pinatay ko na rin yung niluto ko, tapos sinalin ko na rin sa malaking bowl. Darating kasi sila kuya at ang barkada. Syempre invited silang lahat sa one month ni baby. Parating na din yung mga yun maya maya, sabi ko kasi lunch dapat andito na sila.

Maya maya pumunta si Jake dito sa kusina. Hindi dala si baby? San nya naman kaya iniwan si baby?

Bea: San si baby?

Jake: Andun kay Chris.

Bea: Nandito na sila?

Jake: Oo, napa-aga daw. Gusto na daw makita si baby eh.

Bea: Ahmm, bhie palabas naman yung mga ibang plates tutal andito ka naman na. Nnadyan sa may drawer tsaka na rin yung mga utensils.

Jake: Sure.

Bea: Salamat. Tignan ko lang sila Joyce dun ah.

Jake: Sige.

Sabi nya habang kinukuha yung mga plates sa drawer. Ako naman pupunta muna ng sala. Nakita ko si Joyce, buhat buhat si baby tapos si Chris ayun kinakausap si Beatriz.

Joyce: Oh Bei, sabi ni Jake nag luluto ka daw.

Bea: Oo nga.

Tapos nag-beso kami.

Bea: Musta kayo?

Joyce: Ito ok lang. Kayo? Si baby?

Bea: Ayan kita mo naman, ang lusog lusog nya naman.

Chris: Oo nga eh. Buti hindi iyakin no?

Bea: Buti nga eh, minsan nga nagigising ako, gising na pala sya hindi man lang umiiyak pinag lalaruan nya lang yung mga kamay nya tapos inaabot yung mga paa nya, hindi nya naman abot.

Chris: Mabait na bata.

Bea: Pero pag nasimulan nya naman na umiyak iiyak talaga yan. Lalo na kapag hindi mo nabigyan agad ng gatas.

Chris: Yun lang, matakaw,

Bea: Loko Chris.

Joyce: Ganun naman kaya talaga.

Bea: Kayo pa lang ba?

Joyce: Papunta na rin ata sila.

Bea: Nasa kwarto kasi phone ko, baka nag teteks na sila sakin. Sige Joyce, Chris sa inyo muna si Beatriz ah, tulungan ko lang si mommy dun sa kusina.

Joyce: Kailangan nyo pa ba ng tulong sa kusina? Kay Chris muna si Beatriz.

Bea: Ahhm, hnd na siguro Joyce, salamat na lang. Patapos na rin naman yung mga niluluto.

Kahit Umiwas Pa.. (JhaBea FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon