KUP II: Chapter 25 - Moody.

6K 79 37
                                    

Bea's POV

One week after pinalabas na si Jake sa hospital. Ok naman na daw sya pero bawal lang syang mapagod o mag-kikilos baka daw kasi bumuka yung mga sugat nya. Si Kuya naman naunang na-discharge. Nasa bahay na rin sya nag-papahinga. Kami naman ni Jake pauwi pa lang, kasama ko sila tita. Napag-usapan na rin namin na sa bahay uuwi si Jake para may mag-alaga sa kanya. After kasi ng pasko babalik na ulit sila sa US.

Nasa back seat lang kaming dalawa ni Jake si tito ang driver tapos si tita sa passenger seat. Hawak hawak ko ngayon yung kamay ni Jake habang yung ulo nya naka lean sa shoulder ko at nakapikit sya, nag-papahinga ata.

Jake: Bei.

Nagulat naman ako nung nag-salita sya nang nakapikit pa rin tapos tumingin ako sa kanya.

Bea: Bakit?

Jake: I love you.

Ngumiti naman sya pero nakapikit pa din. Hinawakan ko yung right cheek nya kasi nga yung left naka-sandal sakin diba? Tapos nilapit ko medyo yung muka ko sa kanya at bumulong.

Bea: I love you too.

0_o nagulat na lang ako ng inangat nya yung ulo nya at hinalikan ako.

Bea: Baliw ka talaga.

Napahampas naman ako ng mahina sa kanya. Napansin ko din na tumingin samin si tita tapos ngumiti din, nakaka-hiya tuloy.

Jake: Ehhh may magnet ata yang labi mo, kasi nung lumapit ka bigla na lang dumikit.

Sabi nya na tumatawa pa. This time umayos na sya ng upo nya. Tsaka may magnet magnet pa syang nalalaman ah.

Bea: Ewan ko sayo, magnet magnet ka pa dyan.

Ngumiti na lang sya, sila tita at tito din pansin ko na medyo natatawa din. After pa ng ilang oras nakarating na kami sa bahay namin. Pinag-buksan naman kami ng gate tapos pag-dating sa loob inalalayan ko si Jake na pumasok hanggang sa sala.

Bea: Upo ka muna.

Binaba nya naman na yung sarili nya sa may couch tapos sumandal agad. Pagod?

Bea: May masakit ba sayo?

Jake: Ok na ko. Ikaw?

Bea: Ok lang.

Jake: Si baby natin?

Napa-ayos sya ng upo tapos hinila ako at nilagay yung tenga nya sa tyan ko. Napapangiti na lang ako sa kinikilos ni Jake masyado kasi syang excited.

Jake's dad: Oh ito na yung mga gamit mo.

Nagulat ako nung biglang may nag-salita sa likuran ko. Si tito pala at si tita dala dala yung mga gamit ni Jake.

Bea: Jake, andyan na sila tito. Tama na yan.

Ehh kasi naman nakakahiya, ganun pa rin yung pwesto namin.

Jake: Saglit lang.

Nakaka-hiya tuloy kala tita, ehh kasi nga . . . Ewan ko dito. Ano ba pinapakinggan nito sa tyan ko. Bigla nya naman inangat yung ulo nya.

Jake: Mom, bakit ganun hindi pa sumisipa yung baby namin?

Tanong nya kay tita. So yun pala yun. Nakita ko na natawa si tita.

Jake's mom: Ano ka ba naman anak, 6 weeks pa lang yung bata. Ang liit liit pa nga ng tyan ni Bea.

Napahawak ako sa tyan ko. Oo nga naman maliit pa nga yung tyan ko eh. Loko kasi tong si Jake eh.

Dad: Hayaan mo na tart (sweetheart) first time daddy eh. Excited lang.

Mom: Sabagay ganyan ka din kay Kris noon.

Kahit Umiwas Pa.. (JhaBea FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon