Jake's POV
Pag labas ng sasakyan ni wifey para pumunta sa hospital, papasok na sana din kami ni baby sa loob ng may tumawag samin.
Chris: Naks, house husband ah.
Bungad nya sakin habang palalapit sya samin ni baby.
Chris: Hello, Baby Beatriz.
At pinisil pisil na yung anak ko, sinuway ko nga mamaya umiyak pa to eh.
Chris: San punta ni Bea?
Jake: Sa hospital.
Chris: Bakit? Anong nangyari na naman kay Rick?
Jake: Ayun, edi yung sakit nya.
Chris: Hindi ka ba natatakot?
Medyo umiwas ako ng tingin sa kanya, alam ko naman kung ano na naman ang ibig nyang sabihin sa tanong nya.
Jake: Hindi, bat naman ako matatakot? May tiwala ako kay Bei.
Sagot ko ng hindi nakatingin sa kanya.
Chris: Si Bea oo, pero si Rick, kilala mo naman yun eh.
Jake: Sa sakit ni Rick na yun, wala ng kayang gawin yun. Alam mo yun? Ayaw kong maging masama kay Rick, nag sasabi lang ako ng totoo.
Chris: Ikaw bahala, ikaw din.
Jake: Bat ka nga pala andito?
Chris: May tatanungin lang sana sayo.
Jake: Sige pasok na lang tayo sa loob, bigay ko lang din muna si Beatriz kay mommy at maliligo na rin to eh.
Tumango lang sya at pumasok na rin kami sa loob. Tulad nga ng sabi ko, bibigay ko muna si Beatriz kay mommy para mapaliguan na. Bumaba rin ako agad kay Chris, nadatnan ko sya nanonood ng TV.
Jake: Ano yung sasabihin mo?
Chris: About sa kasal namin ni Joyce.
Jake: Naks, uunahan mo pa ata ako ah.
Chris: Loko, hindi. Sa next month na yung inyo eh.
Jake: Gusto ko na ngang i-move next week eh.
Chris: Bakit hindi?
Jake: Ewan ko, excited lang ako.
Chris: Haha, excited ka ng matali ah.
Jake: Hindi naman, hindi naman ganun si wifey eh. Si Joyce pwede pa. Ano?
Chris: Sinabi mo pa.
Sabay tawa naming dalawa. Loko tong si Chris eh.
Jake: Anong tulong ba kailangan mo?
Chris: Hindi naman mahirap, gagawin lang naman kitang ninong.
Jake: Pang ninong sa kasal na ba tong muka ko?
Chris: Joke lang, ikaw lang naman ang gagawin kong best man. Kung pwede nga kayong tatlo eh. Pwede ba yun? Best men?
Jake: Pwede siguro, sa kasal mo lang.
Chris: Adik.
Nag kwentuhan lang kami. Ayun nga nag tanong lang sya sa about sa mga preparation. Excited na excited na nga sya, sabi nya pa mag double wedding na lang daw kami, sabi ko naman kakapusin sila sa oras. Tsaka ayaw ko nga ng may kasabay, moment naman yun ni wifey eh. Diba? Hehe.
--
Bea's POV
Pag-pasok ko sa kwarto ni Rick wala sya dun. Pero andito yung pinsan nyang si carlo.
BINABASA MO ANG
Kahit Umiwas Pa.. (JhaBea FanFiction)
Fanfiction-Dont find love, let the love find you ... That's why it's called falling inlove.. Because you dont force yourself to fall, you just fall.. what if nahanap ka na ng LOVE. iiwasan mo ba ito ? Dahil alam mong mali at wala pa sa tamang panahon. O ipag...