KUP II: Chapter 46 - My Angel.

4.4K 69 36
                                    

Jake's POV

After akong kausapin ni Doc Dave about sa mga dapat gawin sa baby namin huminto muna ko sa tapat ng room. Hindi ko alam kung pano ko sasabihin kay Bea to. Pero ang sabi naman ni doc magiging ok ang lahat. Basta sundin lang namin yung mga dapat. Binuksan ko na yung pinto tsaka ngumiting pumasok, para hindi naman ganun ka-obvious, pero dapat ko din sabihin to kay Bea para alam nya, may karapatan din naman syang malaman.

Mom: Anak, anong sabi ng doctor? Kailan natin makikita yung apo ko?

Jake: Ahhm, pwede po bang mag-usap muna kami ni Bea? Yung kami lang, kung pwede lang po sana.

Tanong ko sa kanilang lahat. Nag oo naman sila, tapos isa isa na silang lumabas ng pinto. Nang makalabas na sila, umupo ako sa tabi ni Bei.

Bea: Bhie, pinapakaba mo ko. Bakit? May nangyari ba?

Umiling ako, tapos pinipilit kong ngumiti. Ayaw ko kasing masyado syang mag worry lalo na't kapapanganak nya lang.

Bea: Anong sabi ng doctor?

Jake: Kasi kailangan pa nilang i-test si baby. Kaya hindi muna sya required na ilabas. Pero sabi naman ni Doc Dave pwede natin syang silipin sa nursery.

Bea: Hindi ko maintindihan. Bakit kailangan pa ng mga test? Diba ok naman sya? Bakit ganun?

Jake: Bei, mahina kasi yung pulso ni baby eh. Kaya ginagamot pa nila si baby, pero sabi naman ni Doc Dave gagawin nila ang lahat.

Naiwas yung tingin nya sakin, pero nakita ko na pumapatak na ang mga luha nya. Hinawakan ko na lang yung kamay nya, tsaka nilagay sa may labi ko.

Jake: Bei, lalaban si baby. Tsaka may tiwala ako sa doctor na mapapagaling nila si baby.

Bea: Jake gusto ko syang makita.

Jake: Bei, hindi ka pa pwedeng tumayo.

Bea: Pero gusto ko syang makita. Kailangan nya ko, kailangan nya tayo.

Jake: Alam ko, kaya nga mag palakas ka muna dyan. Tapos pupuntahan natin si baby.

Bea: Pero . .

Jake: Bei, makinig ka sakin. Pag lumabas tayo, baka bumuka yang sugat mo. Edi lalo kang hindi papayagan ng doctor na makalabas dito agad.

Bea: Jake.

Tapos lalo na syang umiyak. Ramdam ko naman yung lungkot na nararamdaman nya, syempre kahit naman ako malungkot. Pero alam kong makakasama din namin ang nag iisang angel namin.

Jake: Tama na. Wag ka ng umiyak, makakasama sayo yan eh. Tahan na.

Pinunasan ko na lang yung mga luha nya na tumutulo sa may pisnge nya. Nawala naman na yung hikbi nya pero hindi pa rin maiwasan na may tumutulong luha mula sa mga mata nya. Tapos bigla na lang sya nag salita.

Bea: Jake, makakasama ba natin sya? Yung totoo, mag sabi ka sakin ng totoo. Ano pang sabi ng doctor?

Jake: Bei, makakasama natin sya. Palalakihin pa natin sya. Diba?

Bea: Pero natatakot ako.

Jake: Shhh. Wala ka dapat ikabahala, ok? Gagaling si baby tapos mauuwi na natin sya sa bahay. Ok? Sige na, mag pahinga ka muna o gusto mong kumain?

Kahit Umiwas Pa.. (JhaBea FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon