KUP II: Chapter 11 - Go for it Jake!

6.2K 77 34
                                    

Jake's POV

Isang linggo na rin ang nakalipas simula nung nang-yari nga samin ni Bea. Hindi ko na sya naka-usap hindi ko na rin sya nakita. Gusto ko syang puntahan pero hindi ko alam kung pano. Nag-kaayos na kaya sila ni Rick? Habang tumatagal, palapit na ng palapit yung kasal nila. Kaya for sure busy na yun sa kasal nila. Pero pano naman yung nang-yari samin? Ganun ganun na lang ba yun? Hindi pwede, kailangan ko syang maka-usap. Alam kong mahal nya pa rin ako, kaya hindi ko sya titigilan. Sabihin nya na ang gusto nyang sabihin basta mahal ko sya.

Jake: Mga bro aalis lang ako.

Elmo: San ka pupunta?

Jake: Basta.

Tumakbo na ko palabas. Hahanapin ko sya. Nasan nga ba sya? Linggo ngayon eh. Baka nasa bahay nila. Ai hindi, baka may lakad eh. Bahala na, puntahan ko na lang sya sa bahay nila. Pumunta na nga ko sa bahay nila. Pinark ko yung sasakyan ko sa hindi naman kalayuan sa bahay nila. Nakita ko yung sasakyan nya naka-park sa labas. Baka aalis sya. Ang tagal nya naman lumabas, naiinip na ko. Maya maya nga lumabas na sya, wow hot chick. Sexy nya ah, naka-shorts lang syempre may pang-taas naman. Kayo talaga! San kaya lakad nito? Papasok na sya sa sasakyan nya ng tinawag sya ni Barbie, nakita ko kasi si Barbie tinawag nya si Bea. Pumasok ulit sila sa loob. Ahhhm, baba kaya ako? Sige baba ako. Bumaba na nga ko ng sasakyan ko tapos pumunta sa gilid ng sasakyan nya. Ai sakto naiwan nyang naka-bukas yung sasakyan nya.

--

Bea's POV

Bea: Barbie, ano ba kasi yun? Alam mong may lakad kami ngayon ni Rick, ngayon kami pupunta sa simbahan. Malalate na ako.

Bangayan kami ni Barbie ngayon, pano ba naman kasi aalis na ko tinawag pa ko.

Barbie: Eh kasi naman ate tumawag kasi si Ate Joyce pinapatanong kung sasama ka mamaya samin?

Bea: Sus, pwede naman iteks na lang.

Barbie: Para alam ko na yung sagot mo agad.

Bea: Ok sige sasama ako. Saglit lang siguro yung lakad namin ni Rick, seminar lang naman sa simbahan eh.

Tapos ngumiti lang tong kapatid ko.

Bea: Sige na, aalis na ko.

Barbie: Bye ate, enjoy.

Bea: Ok.

Lumabas na nga ko ng bahay tapos sumakay na sa loob ng sasakyan. Pinagana ko na yung gas, tapos inayos na yung side mirror pati yung front. Pero may napansin ako. Napalingon agad ako sa likod ng sasakyan ko.

Bea: JAKE?

Ngumiti sya tapos lumipat sa tabi ko sa passenger seat.

Bea: Anong ginagawa mo dito? Pano ka nakapasok?

Jake: Eh, nakalimutan mong bukas yung sasakyan mo eh. Edi pumasok na ko.

Bea: Eh bakit ka nga nandito?

Jake: Kasi sasama ka sakin.

Bea: Ayaw ko nga. May lakad ako ngayon Jake ah.

Kahit Umiwas Pa.. (JhaBea FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon