Jake's POV
Jake: Dahan dahan lang wifey, baka madapa ka.
Bea: Nasan na ba kasi tayo? Alam mong bawal na ako sa mga gantong surprises mo eh.
Nakatakip kasi sya ngayon ng panyo kumbaga naka piring yung mga mata nya. Tapos, syempre hawak hawak ko sya habang nag lalakad kami papasok. Alam nyo bang eight months and two weeks na ang tyan ni Bei? Yup, kaya nga over alalay ako sa kanya ngayon eh. May surprise lang naman kasi ako sa kanya.
Bea: Hubby, nasan na ba kasi tayo?
Jake: Ito na, ito na. Tatanggalin ko na yung piring mo.
Grabe yung hawak nya sakin, parang babaliin na yung mga buto ko. Kaya dahan dahan ko lang ito binitawan pero yung isang kamay ko nakahawak pa rin sa kanya, tapos yung right hand ko, yun yung pinangtatanggal ko sa piring nya.
Jake: Ready?
Nag nod lang naman sya. Tapos nang matanggal ko na yung piring nya, medyo nahirapan pa sya dumilat siguro dahil sa tagal nya na ring nakapiring.
Bea: San tayo?
Jake: Sa bahay.
Tapos yung reaction halting naguluhan sya. Akala nya siguro yung bahay na tinutukoy ko eh yung bahay nila. Ang bahay naman na sinasabi ko ay yung bahay talaga namin. Yeah, tapos na sya. As in lahat ayos na, kumpleto na rin pati mga gamit. Kami na lang talaga ang hinihintay, pero ngayon andito na kami at dito na kami titira. Ang tagal kong hinintay to, kaya sana magustuhan nya to dahil para sa kanya ang lahat ng ito.
Jake: Gusto mo ba tumira dito?
Bea: Ito na yung bahay?
Jake: Yup, bahay mo.
Bea: Jake.
Tapos tumingin sya sakin na teary eye pa.
Jake: Bakit?
Bea: Thank you.
Tapos bigla na lang syang yumakap sakin at niyakap ko na rin sya. Hindi ko alam kung anong nararamdaman nya ngayon, pero feeling ko naman na masaya sya.
Jake: I love you.
Bea: I love you too.
Lalo pa humigpit yung yakap nya sakin. Tapos bigla na lang umingay yung paligid namin.
Barkada: Welcome home!
Napatingin na lang kami sa kanila. Tapos natawa kami ni Bei sa kanila, pano naman kasi may hawak hawak pa silang mga plato halatang tinira na agad yung mga pagkain sa loob.
Chris: Ui Bei kain.
Bea: Sige lang, mukang busog na busog ka na dyan sa kinakain mo ah.
Chris: Oo ang sarap eh.
Josh: Minsan lang magpakain yan si Jake kaya sinusulit lang namin.
Jake: Loko, nag titipid lang.
BINABASA MO ANG
Kahit Umiwas Pa.. (JhaBea FanFiction)
Fanfiction-Dont find love, let the love find you ... That's why it's called falling inlove.. Because you dont force yourself to fall, you just fall.. what if nahanap ka na ng LOVE. iiwasan mo ba ito ? Dahil alam mong mali at wala pa sa tamang panahon. O ipag...