KUP II: Chapter 37 - Missing box.

5.1K 67 18
                                    

Bea's POV

Ngayon ako naman ang naunang nagising saming dalawa. Tulog pa si hubby, kaya ako muna ang mag luluto para sa kanya. Tumayo na ko tapos dumiretso muna ko ng cr bago sa kitchen. Nang nasa kitchen na ko, nag-luto lang naman ako ng spam and bacon with steam rice. Habang nilalagay ko yung spam sa isang plate, bigla na lang may yumakap sakin mula sa likod, sinandal nya pa yung head nya sa may shoulder ko.

Bea: Good morning hubby.

Pero hindi sya sumagot.

Bea: Bhie, ok ka lang?

Naramdaman ko naman na tumango yung ulo nya habang nakapatong sa shoulder ko.

Bea: Sure ka?

Jake: Pag gising ko kasi wala ka sa tabi ko.

Bea: Aww ganun ba? Pinagluto kasi kita.

Jake: Kaya pala mabango yung naamoy ko kasi nag luluto ka eh.

Bea: Spam and bacon lang kaya to.

Jake: Mabango pa rin.

Tumawa naman kaming dalawa, tapos umalis na rin sya sa pagkakayakap sakin kasi ilalagay ko na tong niluto ko sa lamesa.

Bea: Tara na kain na tayo.

Pagkatapos kong ilapag yung mga plates sa table, umupo na ko pati si hubby. Kumain lang kami together. Pang two days pa lang namin dito, ano kaya gagawin namin dito? San nya na naman kaya ako dadalhin? Feeling ko bawat araw dapat may aabangan ako eh, araw araw may surprise sya sakin. Ngayon kaya, ano? Exciting! Ayun na nga, after namin kumain, nag ayos na kami, wala naman syang sinasabi kung saan kami pupunta pero gusto ko lang mag ayos. Pag labas ko ng banyo, naka upo lang sya sa sofa at hawak hawak yung laptop. Lumapit naman ako sa kanya, at umupo sa tabi nya.

Bea: Hubby ano yan?

Jake: Ahh, iniimport (import) ko lang yung mga pic.

Bea: Patingin.

Then, tinignan ko na nga. Mga picture pala namin kahapon. Lahat ng nangyari kahapon nandito. Teka, sino kumuha nito?

Bea: San galing to?

Iniscrol (scroll) ko pa pababa, in fairness ang dami ah. Simula ata pag baba namin ng taxi sa bridge andito hanggang sa dinner namin kagabi.

Jake: Sa camera.

Bea: Alam ko sa camera, i mean sino kumuha?

Jake: Edi yung photographer.

Bea: May kasama ba tayong photographer kahapon?

Jake: Yup, hindi mo alam?

Bea: Wala ka naman sinasabi eh.

Jake: Hehe, ok na yun. Cute ka naman oh, kahit hindi ka nakatingin.

Bea: Ewan ko sayo.

Tapos nag scroll pa ko, hanggang sa nakita ko yung pic namin sa Eiffel Tower, andito din yung nag kiss kami. Wow, best shot ah, in fairness sa photographer magaling kumuha ng pic, kahit hindi ako nakatingin.

Bea: Ang cute naman.

Jake: Hehe, ayos ba?

Bea: Yup, maganda.

Jake: Oo nga pala, maya maya tatawag kuya mo sa skype.

Bea: Oh talaga? Hindi ba tayo aalis ngayon?

Excited lang ako? Haha.

Jake: Aalis, pero maaga pa naman eh. Baka after na lang natin sila makausap.

Bea: Ahh, ok.

Tapos ayun na nga, tumingin tingin lang ako sa mga pictures. Tapos, after nun tumawag na rin sila kuya.

Kahit Umiwas Pa.. (JhaBea FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon