KUP: Chapter 105 - Bea's Decision.

4.7K 55 16
                                    

Kinabukasan din nung araw ng aksidente ...

Elmo's POV

nagbabantay ako ngaun kay jake. Mag hahapon na , pero tulog pa din sya. Sabi ng doctor magigising na daw sya ngaun.

After hours pa..

Nakita ko, gumalaw ung mga daliri nya . Nilapitan ko sya agad ..

Elmo: bro ..

Unti unti nyang minulat ung mga mata nya..

Elmo: bro, gising ka na ..

Tapos niyakap ko sya, habang nakahiga sya..

Elmo: bro, ano ? Anong masakit sau? Gutom ka ba?

Sunod sunod kong tanong..

Jake: bro, si bea ?

Natahimik ako sa tanong nya. Hindi nya pa nga gano namulat ung mga mata nya. Si bea agad ang hinahanap nya...

Elmo: bro, tatawag lang ako ng doctor ah. Dito ka lang ..

Hindi ko muna pinansin ung tanong nya, hindi ko alam kung anong isasagot ko. Alam kong masasaktan lang sya pag binigla ko sya sa lagay ni bea ngaun.. Lumabas na ko ng room nya ngaun..

Tumawag ako ng nurse at doctor at sinabi na gising na si jake. Pumasok na rin agad ako sa room ni jake kasabay ng mga tinawag kong nurses at doctor. Chineck lang ung vitals nya at kung ano ano pa.

Doc: oh hijo, ok ka na. Pero , may mga kailangan kang sundin. Bawal ka pang umuwi sa bahay nyo, kailangan mo muna magpahinga. May mga gamot ka pang kailangan inumin. Tapos kailangan pa namin i-observe bago ka namin tuluyan pauwiin sa inyo. At ang number one, bawal ka pang ma-stress, masama un sau. Bawal pakapagod pa. Ha ? Hijo.

Elmo: oh , bro. Narinig mo un ah. Si doc na ang nagsabi..

Jake: thank you po doc.

Doc: wala un. Basta pagaling ka. Magpalakas ka.

Jake: doc, pwede po ba magtanong?

Doc: ano un hijo?

Jake: kamusta po ung kasama ko? Si bea po?

Doc: ahhhh, she's fine.

Jake: pwede ko po ba syang dalawin?

Doc: ahh, hijo. Kakasabi ko lang, bawal ka pang mapagod. Dba?

Jake: hindi naman po nakakapagod ung pag lalakad papuntang room nya.

Elmo: bro, ano ba? Makinig ka nga.

Jake: please, doc. Pwede ko ba syang makita?

Doc: ahhm, ganto na lang hijo ah.. Sasabihan na lang kita pag ok na ang lahat. Kasi tulad mo, kailangan nya rin mag pahinga. Kaya payo ko sau, mas maganda na dumito ka muna. Mag palakas bago mo sya puntahan. Nag kakaintindihan ba tau ?

Jake: sige po, doc. Salamat.

Doc: so pano? Pagaling ka ah.

Jake: opo doc ..

Pagkasabi nya kay jake nun, tumingin sakin ung doc.

Doc: at tsaka hijo, nasan ung parents nya?

Elmo: papunta na po daw dito.

Doc: good, ahmm, paki sabi pag dating nila, pumunta sila sa office ko at kailangan ko silang maka usap.

Elmo: sige po, doc . Sasabihin ko po.

Doc: ok, salamat. Alis na ko.

Elmo: salamat din po.

Tumingin muna sya kay jake, at nag paalam ulit bago sya lumabas ng pinto.

Kahit Umiwas Pa.. (JhaBea FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon