KUP II: Chapter 30 - The boiled egg.

5.5K 81 37
                                    

Jake's POV

Jake: Bro, sure ka dun sa tito mo ah.

Chris: Oo bro, sure yun. Magaganda mga binibenta nun. Walang fake, diamond lahat yun.

Jake: Hindi naman yung point ko, ibig kong sabihin yung ring ba eh magaganda talaga. Kasi alam mo naman, gusto ko special lahat, lalo na yung ring.

Chris: Oo nga, kulit mo naman.

Kasama ko kasi si Chris ngayon, sinundo ko pa nga sya sa opisina nya para samahan ako. Kasi yung tito nya may ari ng isang Jewelry Shop dito. So para naman sure nag pasama ako kay Chris. Bibili na kasi ako ng engagement ring, kung may mapili na ako.

Chris: Ayan bro, dito na yun. Park ka na lang dyan.

Ayan, andito na daw kami. Nag park na nga ko tapos bumaba na rin kami. Pag pasok namin sa loob, sinalubong naman kami, siguro ito na yung tito nya.

Chris: Tito, kamusta?

Yumakap pa si Chris sa tito nya.

Chris' tito: Ito ok lang, ikaw?

Chris: Ok lang din po. Nga pala ito yung kaibigan ko na bibili ng ring.

Jake: Hello po, Jake nga po pala.

Nag shake hands naman kami.

Chris' tito: So ikaw pala yun. Akala ko nung tumawag tong si Chris sakin at nag hahanap ng magandang ring, akala ko mag papakasal na eh.

Biro ng tito nya.

Chris: Tito naman eh, wag munang madaliin ang mga bagay bagay. Hindi pa kami ready eh.

Chris' tito: Sus, ito ngang kaibigan mo yayayain na yung girlfriend mag pakasal eh.

Chris: Oo nga, pero ewan ko. Feel ko hindi pa kami ready.

Jake: Nauunahan po kasi ng kaba eh.

Sabat ko sa pag tatalo nilang dalwa.

Chris' tito: Kaba ba kamo? Aii walang mangyayari yan, baka kinasal na lahat ng barkada mo. Ikaw hindi pa.

Chris: Tito talaga oh, alam mo to samahan mo na lang kami ni Jake sa loob at makapamili na kami. May pasok pa ko no.

Chris' tito: Halika na nga kayo.

Sumunod na kami sa loob, tapos ayun na nga ang daming mga singsing. Lahat magaganda, kung pwede nga lang lahat ng to, ibibigay ko sa kanya eh.

Chris: Ano bro, may napili ka na ba?

Jake: Wala pa nga eh, lahat kasi halos magaganda eh.

Chris: Oo nga eh.

Jake: Ikaw may napili ka na?

Chris: Wag mo kong binibiro ng ganyan Jake, baka bukas mabalitaan mo na lang kasal na kami ni Joyce.

Jake: Haha, edi ok bro.

Umiling na lang sya sabay ngiti. Tapos tingin tingin lang kami sa mga sing sing, lakad dito lakad doon, medyo malaki din kasi tong shop ng tito nya eh.

Chris' tito: Ano guys, may napili na ba kayo?

Chris: Tito, ano ba gusto ng mga babae? Expert ka dito eh.

Tito: Ahhm, meron kasi akong bagong product, actually kaka deliver lang sya sakin kaninang umaga. Nung nakita ko sya, grabe as in mapapa-wow ka sa ganda. Pwede ko syang ibigay sayo yun nga lang maganda din ang presyo.

Jake: Ok lang po, kahit mag kano po. Basta magugustuhan nya.

Tito: For sure naman, magugustuhan nya. Ewan ko na lang kung hindi nya to magustuhan.

Kahit Umiwas Pa.. (JhaBea FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon