KUP II EPILOGUE

3.7K 58 12
                                    

Sampung taon na ang lumipas. Akalain mong 15 years na kaming kasal ni hubby. Pero masaya pa rin kami, kumpleto pa rin kami at mahal na mahal pa rin namin ang isa't isa. At alam namin na hanggang sa pag-tanda namin, tumanda man kami ng husto mag-kasama pa rin kami.

Bea: Beatriz..

Tawag ko sa panganay namin.

Bea: Nasan na ang mga kapatid mo?

Beatriz: Baka kasama po si daddy.

Ang ganda ganda ng baby ko, dalagang dalaga na sya ngayon, 15 years old pa lang sya pero kung umasta akala mo dalaga na talaga.

Beatriz: Mom, nakatingin ka na naman sakin.

May lambing ang mga boses nya.

Bea: Ang laki laki mo na kasi.

Beatriz: Mommy naman eh.

Niyakap nya ko, kahit kailan talaga ang lambing lambing ng batang to samin ni hubby.

Beatriz: Oh mom, ayan na pala yung dalawa kong makukulit na kapatid oh.

Pag-lingon ko andun na nga yung dalawa, nag tatakbuhan at kasama pala ang daddy nila.

Bea: Jacob at Jhea, pawis na pawis na naman kayo.

Si Jacob, sumunod kay Beatriz, 10 years old na ngayon at grade 4 na. Kung si Beatriz kamuka ko, si Jacob naman Jake na Jake ang muka, pati dimple nakuha, sana nakuha nya din kung pano mag-mahal ang tatay nya. Tapos ang Baby Jhea namin, ang bunsong babae namin, 8 years old at grade 2 pa lang. Ang cute cute nga eh. Ito naman na ang pinaghatian namin dalawa ni Jake, sabi kasi nila pag tinitigan mo daw si Jhea parang makikita mo ako at si Jake, kaya ayan pati pangalan hinati sa name ko at name ni Jhake. 

Jacob: Mom, look at dad.

Tumingin ako kay hubby, at ayun hinihingal na.

Bea: Ano? Hindi mo na kaya makipaghabulan no?

Jake: Tumatanda na ata ako ah.

Bea: Grabe ka, hindi pa naman.

Beatriz: Dad, aalis pala kami ni kuya mamaya ah.

Jake: San na naman kayo pupunta dalawa?

Beatriz: Eh kasi naman daddy, si Kuya Jaylee, kahit kailan talaga hindi na natuto mag hanap ng matinong igi-girlfriend.

Jake: Eh kasi naman, hindi naman kasi hinahanap yun, kusa yun dumadating.

Jacob: So daddy, si mommy pala kusa rin dumating sa buhay mo?

Jake: Oo, diba wifey?

Bea: Oo, kaya kayo ha. Pag-laki nyo, wag agad agad mag boboyfriend o mag-gigirlfriend. Lalo ka na Beatriz ah.

Beatriz: Mom naman, syempre lagi naman ako nakikinig sa inyo ni daddy eh.

Jake: Tsaka yang pag-sama mo kay Jaylee ah. Hindi naman kita pinagbabawalan pero, si Jaylee 20 na  ikaw 15 pa lang, so magkaiba kayo ng gusto. Iba yung trip mo, iba yung trip nya.

Bea: Ang ibig sabihin ng daddy mo, ang kuya mo kasi kung san san na nakakapunta, minsan sumasama ka pa. Ang amin lang, nak bata ka pa ah, kaya wag muna yung pag babarkada ang inaatupag.

Beatriz: Yes mom and dad, hindi naman ako sumasama sa mga barkada ni kuya no, puro lalaki kaya yun. Sa mga friends ko naman ako sumasama, tsaka kapag gumala kami ni kuya, kaming dalawa lang talaga.

Jake: Promise yan ah.

Beatriz: Promise dad.

Jake: Halika nga dito, ganda ganda pa naman ng anak ko eh.

Beatriz: Naman dad, kanino pa ba ako mag mamana? Edi sa babaeng pinaka love mo.

Jhea: Si mommy.

Niyakap ko si Jhea, habang pumapalakpak pa sya. 

Jacob: Mommy, ako din ikaw ang babaeng pinaka-love ko.

Bea: Aww, thank you Jacob. Love na love ka din ni mommy. Love na love kayong lahat ni mommy.

Beatriz: I love you too mom.

Jhea: Yabyu mommy.

Ang sarap ng feeling na, ang daming nag sasabi sau kung gano ka nila kamahal. Sa araw araw, lagi rin ako nag papasalamat na binigyan nya ko ng tatlong anak na, napaka-sweet at napaka-mapagmahal sa mga magulang. At syempre ang asawa ko na laging andyan na kahit kailan hindi nawala sa tabi namin.

Ito na kami ngayon, isang ganap na pamilya na walang ginawa kung hindi ang mahalin ang isa't isa.

-Beanca Marie V.

Kahit Umiwas Pa.. (JhaBea FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon