KUP II: Chapter 19 - A fight for love (part 2)

5.3K 81 36
                                    

Jake's POV

Pumayag ako sa gusto ni Rick, kahit may hawak syang baril at akoy hinang hina dahil sa kakasuntok nitong walang hiyang tao na to. Hanggang sa naka-labas na kami ng bahay nila at nakatutok pa rin yung baril nya sakin.

Jake: San mo ba ko dadalhin?

Takte kasi, hindi na ko makalakad. Wala na kong lakas, pagod na ko.

Rick: Bakit hindi mo na kaya?

Jake: Lumaban ka ng patas, hindi yang ganyan.

Rick: Eh ikaw yung hindi lumalaban eh.

Jake: *pweh* hindi kasi ako lumalaban sa taong makitid ang utak eh.

Dumura pa ko ng dugo, grabe mabubuhay pa ba ko dito? OA ko masyado.

Rick: Talaga lang ah.

Jake: Ano ba pag-uusapan natin dito ah. Oh gusto mo lang ako makasama?

Pang-aasar ko sa kanya, langya kasi tong si Rick eh. Hindi na ko maka-galaw.

Rick: Tengeneng yan. Ikaw na Jake. Ikaw na.

Tumatawa pa sya sa lagay na yan, baliw na sya.

Jake: Sabihin mo na yang gusto mong i-sona. Wag mo kong pag hintayin.

Rick: Sakin lang si Bea, Jake. Sakin lang.

Jake: Eh ayaw nga sayo nung tao eh.

Rick: Mahal nya ko.

Jake: Ako ang mahal nya. Hindi ikaw, kahit kailan Rick ako lang ang minahal nya.

Rick: Wag kang tanga Jake, iniwan ka nya diba?

Jake: Ikaw ang tanga Rick. Bakit ano ba ginagawa nya ngayon sayo? Iiwanan ka na rin nya diba? Babalik na sya sakin, kasi ako ang mahal nya, hindi ikaw.

Ooops, napikon ata sya sa sinabi ko. Lalo syang naging violet eh.

Rick: Hindi nya ko iiwan.

Jake: Bingi ka ba? Hindi mo ba narinig yung sinabi nya kanina. A-YAW NYA NANG MAG-PA-KA-SAL SA-YO.

Sana naman naintindihan nya yun diba?

Rick: Sa tingin mo papayag ako?

Jake: Bakit may magagawa ka ba?

Rick: Kung patayin kaya kita ngayon.

Jake: Sige iputok mo. Bakit sa tingin mo pag pinatay mo ko papayag pa rin si Bea mag-pakasal sayo. Rick, hindi na.

Ang cool lang ng usapan namin ngayon ni Rick, ung tipong ordinaryong usapan lang walang sigawan pero ang totoo halos magpatayan na talaga kami sa mga tingin namin.

Rick: Ginagalit mo talaga ako no?

Jake: Hirap sayo eh. Oo nga pala, bago ko makalimutan nag-kita kami ni Teejay ah. Congrats nag-wagi ka noon, akalain mo yun?

Kahit Umiwas Pa.. (JhaBea FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon