KUP II: Chapter 36 - Memories ft. Eiffel Tower, Paris.

5.1K 84 46
                                    

Ehh yung sinayaw nila Bea sa PP, sinayaw din namin yun nung 8 or 9 years old ako, hanggang ngayon alam ko pa rin yung step namin dun. Promise, share lang lol. Anyway, Happy 2nd Anniversary sa JhaBea Irises, aabot pa tayo hanggang . . . hmmmmm forever? diba? Then thank you sa mga nag effort para dun sa ustream, kahit may kunting sabit, enjoy pa rin naman (y) Specially, sa mga globies kaya thank yooouuuuuuu :))

May your anniversary mark the beginning of another year of love and joy. Hoping that the bond you share remains as strong as ever. Happy Anniversary ulit :))

Jake's POV

After namin kumain ni Bei, nag taxi na ulit kami pabalik sa eiffel tower. Mag hahapon na rin kaya pag dating namin dun, mag gagabi na. Bukas na yung mga ilaw, mas maganda.

Jake: Ok ka lang wifey?

Bea: Yeah, medyo napagod lang siguro ako.

Jake: Pahinga ka muna, medyo malayo pa naman tayo eh.

Bea: Hindi nga ko makatulog eh.

Jake: Bakit?

Bea: Kasi to oh.

Pinakita nya sakin yung daliri nya na pinaglalagyan ng singsing.

Jake: Ah yan ba. Kasi naman, sino ba nag bigay nyan sayo? Yan tuloy hindi ka makatulog.

Bea: Hahaha, ikaw kasi eh.

Jake: Bakit ako?

Bea: Bhie, thank you.

Sabay yumakap pa sya sakin. Aww ang sweet ng wifey ko.

Jake: Baby, ako nga ang mag thathank you sayo eh. Kasi you said yes.

Bea: Of course, i'm gonna say yes no. Ikaw pa.

Jake: Eh bakit nag yes ka pa sa iba noon?

Pang asar ko lang, then nilayo ko yung tingin ko sa kanya napunta sa harap.

Bea: Bhie naman eh.

Humigpit pa yung yakap nya sakin, pero hindi ko pa rin sya pinapansin.

Bea: Kaya ko lang naman nagawa yun, kasi . . kasi iniwan mo ko. Umalis ka kaya.

Jake: Kasalanan ko pa?

Galit galitan lang ang peg ko ngayon. Haha, bat ba kasi napunta kami sa gantong topic?

Bea: Hindi, kasalanan ko.

Tumingin ako sa kanya, habang nakayakap sakin at naka sad face pa sya. Hinalikan ko yung noo nya, nag jojoke lang naman kasi ako, tsaka ayaw ko na rin pag usapan yun.

Jake: Joke lang naman, I love you.

Bea: I love you too.

Nag smile na lang ako tapos nakita ko si manong tumingin sa rear view mirror nya. Siguro nag tataka lang sya samin. Hahaha, bukod sa hindi nya maintindihan kung ano ang sinasabi namin eh baka naweweirduhan din sya. After nang mahabang byahe, dumiretso na kami sa tower. Pag-dating namin sakto naka bukas na yung mga lights. Tama nga sila, ang ganda nga talaga ng lugar na to. Parang magic lang talaga pag nakalapit ka sa tower na to kasama yung pinakamamahal mo.

Bea: Hubby ang ganda nya no?

Jake: Oo nga eh.

As in ang ganda nya talaga, kumikinang kinang yung mga ilaw. Kung pag mamasdan mo talo pa yung mga fireworks sa langit.

Jake: Gusto mo bang makapunta sa tuktok?

Turo ko pa dun sa pinakataas ng tower, tumingala pa kaming dalawa tapos dahan dahan syang tumango.

Kahit Umiwas Pa.. (JhaBea FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon