Manila, Philippines
Peep! Peep! Peep!
Gosh, traffic pa. Gabi na, umuulan pa. Ang dilim dilim tuloy ng paligid. Kaya ayaw ko mag-drive pag gabi na eh. Sakit pa ng ulo ko dahil sa mga paper works na kailangan asikasuhin na deadline next week. Tinatawagan ko si Rick, hindi nya naman sinasagot. Nasan kaya yun?
Maya maya, umandar na rin ang mga sasakyan. Sa wakas, gustong gusto ko ng maka-uwi at matulog na. Tumingin ako sa orasan sa kotse ko, 11:30 pm na pala.
--
Pagdating ko sa bahay, grabe nakakatakot parang haunted house tong bahay namin. Ang dilim dilim, umuulan pa. Makaka-kita ka lang ng liwanag kapag kumidlat ang langit. Nasan na ba ung mga tao dito?
"Kuya, Barbie"
Sigaw ko sa loob ng bahay namin, nakakatakot na kasi eh. Sobrang tahimik, yung bagsak lang ng ulan na nag-mula sa bubong ang maririnig mo. Wala pa rin sumasagot, kinuha ko yung phone ko para ilawan ung dadaanan ko. Tinungo ko na nga ang switch para buksan yung ilaw sa sala. Pero hindi nag bukas, brown out ata.
"Ano ba yan."
Napa-buntong hininga na lang ako. Umatras ako unti at pinindot ko yung phone ko, para iteks si kuya. Kung naka-uwi na ba sya ng bahay. Pero nang magawi ko yung mata ko sa may kusina namin, parang may tao. Parang may nakita akong tao na dumaan. Ilan sandali ko din tinitigan ko yung kusina namin, pero binaliwala ko lang yun tineks ko na lang si kuya. Nang ma-send ko na, sakto may narinig akong ingay na nag-mula sa kusina namin.
"May tao ba dyan?"
Tanong ko, pero wala naman sumagot. Hinakbang ko yung mga paa ko papunta nga sa kusina namin para i-check kung may tao dun, cellphone lang ang gamit ko para kahit papano may liwanag akong makikita. Habang nag-lalakad ako, hindi ko maiwasan na hindi manginig, kasi bukod sa natatakot na ko dahil nga sa kulog at kidlat eh nilalamig pa ko dahil na rin siguro sa umuulan at lakas ng hangin na nag-mula sa labas na pumapasok sa loob ng bahay namin.
Nang matungo ko na ang kusina.
"AHHHHHHHHHHHHH"
Napasigaw ako ng hindi sinasadya, dahil nga may bumungad sakin na lalaki na tanging muka nya lang ang makikita mo dahil sa dala nya na may nakapatong na maliliit na kandila. Nagulat ako sa kanya. At maya maya, nag-bukas na rin yung mga ilaw.
Nang maka-kita na ako ng liwanag, nakatulala lang ako sa kanila. Grabe, kinabahan ako dun ah. Natakot talaga ako ng sobra.
"HAPPY BIRTHDAY, BEA"
Sabay sabay nilang bati sakin, oo nga pala birthday ko na alas dose na rin kasi.
Bea: Tinakot nyo ko ah. Alam nyo ba un?
Reklamo ko sa kanila. Eh kasi natakot naman talaga ako eh.
AJ: Happy Birthday Bea.
Tapos niyakap ako ni Kuya, niyakap ko din sya. Pagka-bitaw ko sa kanya, may inabot syang gift sakin.
BINABASA MO ANG
Kahit Umiwas Pa.. (JhaBea FanFiction)
Fanfiction-Dont find love, let the love find you ... That's why it's called falling inlove.. Because you dont force yourself to fall, you just fall.. what if nahanap ka na ng LOVE. iiwasan mo ba ito ? Dahil alam mong mali at wala pa sa tamang panahon. O ipag...