Jake: Hey, wake up, wake up.
Gising ko sa dalawang to. Tirik na kasi ang araw, natutulog pa rin sila. Tsaka ipapasyal ko silang dalawa tutal wala naman pasok ngayon eh. End na rin ng school year kaya summer vacation na nila.
Jake: Babies, gising na. Breakfast is ready na rin.
Bumangon na si Beatriz pero naka-upo pa rin sa kama at hilod hilod ang dalawang mata.
Beatriz: Dad, i'm still sleepy.
Dad: Beatriz, nasa taas na yung araw oh. Tsaka diba sabi ko sayo, papasyal tayo kasama ng Kuya Jaylee mo. Kaya gisingin mo na ang kuya mo, dali.
Tumingin sya kay Jaylee at ayun tulog na tulog pa rin. Nakita kong ngumiti si Beatriz, alam ko na to. Gustong gusto nya kasing gisingin ang Kuya Jaylee nya pag gantong masarap pa rin ang tulog eh. Tumayo na si Beatriz at ayun niyugyog na si Jaylee.
Beatriz: Kuya wake up, kuyaaaa wake up na kasi.
Yugyog lang sya ng yugyog kay Jaylee ako naman pinapanood ko lang sila.
Beatriz: Daddy oh si kuya ayaw pa gumising. Next time hindi ko na sya patutulogin dito sa kwarto ko lagi naman . . . Waaaaaaah.
Ginulat ni Jaylee si Beatriz, kaya napasigaw ito. Sumama naman ang tingin ni Beatriz kay Jaylee habang si Jaylee tawa ng tawa.
Jaylee: Hahahaha.
Beatriz: Ang bad mo kuya kahit kailan.
Jaylee: Ikaw kasi si magugulatin eh. Hahahaha.
Beatriz: Daddy oh, si kuya.
Sumbong sakin ni Beatriz.
Jake: Tama na nga yan, kayo talagang dalawa. Tara na, mag breakfast na kayo at maligo na kayong dalawa dahil madami tayong papasyalan.
Pananabik ko sa kanila kaya tuwang tuwa naman yung dalawa, tumalon talon pa sila.
Beatriz: Yehey!
Bumaba na kami, kumain na sila at after nun nag ayos na nga sila. Inayos ko na din yung mga dadalhin namin. Konti lang naman, mga pamalit lang nila para pag pinagpawisan tapos mga snack at drinks.
--
Dito ko napiling unang puntahan ang Manila Ocean Park. Pag pasok pa lang namin, nag takbuban agad yung dalawang bata. Tumigil sila dun sa may salamin.
Beatriz: Kuya, look oh may starfish wow. Can I touch it?
Jaylee: Wait, i'll ask them first.
Hinayaan ko na lang silang dalawa, pinapanood ko lang sila. Nag ask nga si Jaylee, dun sa isang staff siguro, tapos mukang pwede naman hawakan. Kahit kailan talaga hindi pinabayaan ni Jaylee si Beatriz, kahit laging nag aaway yang dalawang yan na dinaig pa ang aso't pusa kung mag away sa huli sila pa rin ang mag kakampi.
Beatriz: Waaah, kuya i'm scared.
Jaylee: Don't be, c'mon touch it.
Beatriz: Daddy, come here.
Agad naman akong lumapit at nanginginig pa ang mga kamay ni Beatriz habang hinahawakan nya yung starfish.
Jaylee: See, sabi ko sayo mababait sila eh.
Beatriz: Kuya, ikaw din hawakan mo yung isa.
Tumingin muna si Jaylee dun sa isang lalaki.
"Go ahead"
Ayun na nga. Hawak hawak na nilang dalawa yung star fish.
Jake: Oh guys, picture with the starfishes.
BINABASA MO ANG
Kahit Umiwas Pa.. (JhaBea FanFiction)
Fanfiction-Dont find love, let the love find you ... That's why it's called falling inlove.. Because you dont force yourself to fall, you just fall.. what if nahanap ka na ng LOVE. iiwasan mo ba ito ? Dahil alam mong mali at wala pa sa tamang panahon. O ipag...