KUP II: Chapter 57 - 1st Birthday Baby Beatriz.

4.2K 62 16
                                    

Bea's POV

"HAPPY BIRTHDAY BABY BEATRIZ."

Sigaw ng lahat, nung hinipan na namin yung candle ni Beatriz sa cake nya.

Jake: Happy Birthday baby, I love you.

Hinalikan pa ni hubby si baby, buhat ko naman si Beatriz.

Bea: Happy Birthday baby. Love na love ka ni mommy. Mmwaaaah.

Tuwang tuwa si Beatriz, ang likot likot nga eh. Talon sya ng talon, nakakatayo na rin pala sya pero hindi pa nakakahakbang, pero minsan kailangan mo pa rin syang alalayan.

Chris: Picture, picture.

Si Chris, na hawak pa ang cam. Pumwesto naman kami sa may likod ng cake tapos pinicturan kaming tatlo ni Chris. Tumingin sya sa cam nya tapos nag thumb up samin.

Barbie: Kami naman din ni baby.

Chris: Oh si Ninang Barbie naman daw.

Binigay ko sa kanya si Beatriz tapos nag picture sila. Hanggang sa isa isa na sila. Sumunod din sila mommy, daddy pati yung mga ibang bata din na andito. Meron din picture si Jaylee at Beatriz, karga ni Jaylee si Beatriz. Ang kulet nga nila eh, parang mag kuya na rin sila.

Chris: Oy kami naman ni Beatriz, naging photographer na ako dito ah.

Joyce: kuhaan ko kayo.

Binigay ni Chris yung cam kay Joyce, tapos kinuha nya naman si Beatriz kay Elmo. Nag kabati na nga pala yung dalawa, akala talaga namin noon mag hihiwalay yang dalawang yan. Si Joyce kasi talaga galit na galit, halos ibaon na si Chris sa lupa ayaw nya talaga pakinggan si Chris. Mamaya kwento nila sa inyo.

Jake: Wifey, kain na tayo?

Napatingin ako kay hubby, tapos may dala na syang plate.

Bea: San si baby?

Jake: Ayun oh, kasama yung tatlong mokong, pinapanood yung clown.

Tukoy nya kala Elmo, Chris at Josh, andun pala sila pinapanood yung dance number nung clown na nirentahan namin. Dalawa lang sila pero nakakatuwa kung pano sila gumalaw ginagawang comedy. Nung matapos sila sabi nung clown, kumain daw muna ang mga bata, kaya hinayaan ko muna si hubby na kumain, tumulong ako sa kanila para hindi na sila mahirapan. Habang si Beatriz ayun nasa kanila, buhat dun buhat dito, nag aalala na nga ako baka nahihilo na yung bata. Pero mukang enjoy naman sya, mag pabuhat sa mga ninang at ninong nya. Nanonood din sya dun sa mga pakulo ng dalawang clown, si Jaylee din andun nakaupo nangunguna pa nga sa harapan eh.

Napatingin ako sa likod nung maramdaman ko may papalapit.

Bea: Mommy, ikaw pala.

Mom: Kumain ka na?

Bea: Mamaya na lang po siguro, busy pa.

Mom: Ako na bahala muna dito, kumain ka muna. Dun ka na sa loob kumain, andun na ang asawa mo kanina pa ko kinukulit at hindi ka pa daw kumakain.

Si hubby talaga, sige na papasok muna ako sa loob. Nag oo na ko kay mommy, tapos nakita ko napatingin si Japs sakin, nag senyas ako na sila muna bahala kay Beatriz at kakain lang ako sa loob. Nag ok naman sya. Pag pasok ko sa dinning andun na nga si hubby, inaayos yung pagkaen ko ata.

Bea: Hi hubby.

Jake: Buti pa pag si mommy ang tumatawag sayo sumusunod agad, pag ako 48 years muna.

Sabi nya ng hindi nakatingin sakin nag sasandok lang ng kanin sa isang plate.

Jake: Kain ka na.

Kahit Umiwas Pa.. (JhaBea FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon