Jake's POV
Aaaaaarrrrrrgggghhh!
Sabay hagis ko sa pintuan nung hawak kong ballpen at lukot sa papel kong hawak kung saan sinulat ni Bea ang sulat nya para sakin.
Bakit na naman ba iniiwan mo ko? Kailangan ka nya pero mas kailangan ka namin. Hindi mo ba naisip yun? Bat kailangan mo pang sumama kay Rick. Bakit?
Napaupo ako sa kama at tinakpan yung mga muka ko ng dalawang palad ko. Kaya pala, nangyari samin yung kagabi, dahil aalis sya. Pero bat kailangan nya pang gawin to?
Nagulat na lang ako ng biglang may pumasok sa kwarto.
Mom: Anak, ano yung ingay?
Hindi ako sumagot, nakatingin lang ako sa baba habang tumutulo na ang mga luha ko. Naramdaman ko ang pag aalala ni mommy at yumakap sakin.
Mom: Anong nangyari?
Lalong bumuhos ang mga luha ko, hindi ko mapigilan.
Mom: Anak, sabihin mo sakin anong nangyari?
Nanginginig yung mga kamay ko na tinaas para iabot yung lukot lukot na papel, kinuha nya naman ito at binuklat. Aftet nyang mabasa, tumingin sya sakin na parang nanghihina, sino ba naman ang hindi?
Mom: Babalik naman sya.
Jake: Bat di nya na lang sinabi sakin?
Mom: Baka may reason sya kung bakit.
Jake: Pero ma, anong reason yun? Asawa nya ko, dapat ako nakakaalam sa mga bagay na gagawin nya.
Mom: Hintayin mo na lang sya.
Jake: Ma, alam mo kung gano ko sya kamahal. Tapos eto na naman kami, mag kahiwalay na naman kami. Hindi ko alam kung nasan sya. Feeling ko, kung papipiliin ko sya mas pipiliin nya si Rick eh. Kung ako mamatay, baka sasama na lang sya kay Rick.
Mom: Anak, hijo makinig ka sakin. Kung mahal mo sya, mag tiwala ka sa kanya. At kung may tiwala ka sa kanya dapat pag katiwalaan mo rin yung pag mamahal nya sayo. Hindi porke, sumama si Bea kay Rick hindi ka nya mahal. Alam mo kung bakit sya andun ngayon, Jake si Rick may sakit kailangan nya si Bea.
Jake: Pero kailangan ko din sya kailangan namin sya ni Beatriz.
Mom: Jake, ikaw mabubuhay ka pa ng matagal kasama si Bea, si Rick hindi mo alam kung hanggang kailan na lang ang buhay nya.
Jake: Ma, bat parang ok pa sayo yung ginawa ni Bea?
Mom: Nililinaw ko lang sayo kung bakit. Dahil ayaw kong mag kaganyan ka na naman. Hindi ka iniwan ni Bea dahil ayaw nya na sayo, iniwan ka nya muna para maging maayos ang lahat. Jake, alam mong ikakasal dapat sila noon, kaya gusto lang bumawi ni Bea sa kanya para pag dumating yung panahon na kayo na ang ikakasal wala kayong taong masasaktan.
Basta, bahala na. Hindi ako papayag na mawala na naman sya sakin. Hahanapin ko sya.
Tumayo na ko at nag suot ng T-shirt.
Mom: Saan ka pupunta?
Hindi ko na sinagot si mommy, bumaba na ko at lumabas ng bahay. Hindi ko hahayaan na maagaw ka na naman sakin ni Rick.
--
Chris' POV
Ding! Dong! Ding! Dong! Ding! Dong!
Ano ba yan! Sunod sunod naman na doorbell yan hindi makapag hintay eh. Kainis!
Lumabas na ko ng bahay, at nakita kong si Jake pala to.
Chris: Oh bro.
Humarap sya sakin at nagulat ako sa itsura nya.
Chris: Nangyari sayo? Umiyak ka ba?
BINABASA MO ANG
Kahit Umiwas Pa.. (JhaBea FanFiction)
Fanfiction-Dont find love, let the love find you ... That's why it's called falling inlove.. Because you dont force yourself to fall, you just fall.. what if nahanap ka na ng LOVE. iiwasan mo ba ito ? Dahil alam mong mali at wala pa sa tamang panahon. O ipag...