KUP II: Chapter 53 - The truth.

4.5K 58 21
                                    

Bea's POV

Ano ba yan! Ang aga aga tumutunog yung cellphone. Kanino bang cellphone yun? Napamulat ako, at tinignan kung kaninong phone yung tumutunog. Kay hubby pala, pero kukunin ko na sana pero nawala na yung ingay. Pag tingin ko unknown number, sino ba to at tatawag ng gantong kaaga. 5:15 pa lang. Naalala monday pala ngayon. May pasok si hubby, gigisingin ko sana sya pero nakita ko nakatakip lang ng kumot yung katawan namin. Ano nga ba ulit nangyari kagabi? Oo nga pala, umiling na lang ako. Bago ko sya gisingin nag bihis muna ako. Pag bihis ko, umupo ulit ako sa kama. Hinawi ko muna yung buhok nya na nakaharang sa muka nya, nakadapa kasi syang natutulog tapos yung ulo nya nakaharap sa side. Dahan dahan kong hinawakan yung muka nyang gwapo para gisingin sya.

Bea: Hubby, gising na.

Wala pa ring imik. Napagod ko ata to kagabi.

Bea: Hubby.

Ginagalaw ko na pati yung katawan nya para magising na.

Bea: Hubby.

Jake: Hmm.

Sa wakas.

Bea: Gising na, alas singko na oh.

Jake: Wifey, mamaya na ko papasok. Pagod pa ko.

Nanglaki naman yung mata ko dun. Pagod pa sya? 7 hours naman ng nakalipas un pagod pa rin.

Bea: Sigurado ka baka naman may meeting ka. Pagalitan ka ni daddy.

So ako naka-upo sa may kama, at niyakap nya yung isang kamay nya may beywang ko.

Jake: Five minutes.

Bea: Tara na kasi. Maligo ka na.

Dumilat naman yung isang mata nya at ngumiti.

Jake: Good morning wifey.

Bea: Good morning. Tara na maligo ka na.

Napamulat naman na yung dalawang mata nya.

Jake: Sabay tayo?

Piningot ko nga yung isang tenga nya, ang aga aga eh.

Jake: Sabi mo kasi tara na.

Bea: Oo nga maligo ka na at ako'y bababa na.

Jake: Ang wifey ko talaga oh.

Umupo na sya ngayon habang yung kalahati ng katawan nya nasa loob pa rin ng kumot.

Jake: Bat ang aga mo nagising?

Bea: Eh kasi may tumatawag sayo kanina unknown number.

Kinuha nya yung phone nya tapos tinignan siguro yung tumawag.

Jake: Hindi ko kilala to. Baka naligaw lang to.

Bea: Sige na maligo ka na, mag luluto muna ako ng breakfast natin ah.

Jake: Ok wifey. I love you.

Bea: I love you too.

Tumayo na ko at bago ako lumabas ng kwarto.

Bea: Maligo ka na ah. Mamaya matulog ka pa eh.

Jake: Opo wifey maliligo na.

Lumabas na ko ng kwarto at bumaba na. Haaaay, ang sarap lang ng ganitong feeling yung gigising ako na nasa tabi ko sya. Sana ganito na lang kami lagi.

--

After ko mag fry ng food. Sakto bumaba na rin si hubby.

Jake: Tulog pa sila mommy?

Bea: Tulog pa ata.

Jake: Eh ang Baby Beatriz natin?

Bea: Tulog pa din. Kain ka na, ma-late ka pa eh.

Kahit Umiwas Pa.. (JhaBea FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon