KUP II: Chapter 52 - Hubby.

4.8K 66 28
                                    

Bea's POV

Jake: Oh baby, kala lolo't lola ka muna ah. Wag kang pasaway.

Pinalo ko ng mahina yung braso ni Jake. Eh kasi naman, baby pa lang sinasabihan ng pasaway.

Jake: Bakit?

Sabi nya habang hawak hawak yung part na pinalo ko.

Bea: Hindi naman kaya pasaway ang baby ko.

Jake: Alam ko naman kaya yun. Sinasabihan ko lang.

Mom: Sus, kayong dalawa. Sige na, at baka malate pa kayo sa lakad nyo.

Dad: San ba ang punta nyo?

Jake: Ahh, ehh dad papasyal ko lang si Bei. Matagal tagal na rin kasi namin hindi to nagagawa eh. So habang andito pa kayo, susulitin ko lang.

Sabay ngiti nya at natawa na lang din sila daddy.

Mom: Oh sige mag ingat kayo ah.

Bea: Sige po mommy. Tawag na lang po kayo pag may problema po dito sa bahay.

Mom: Sige sige.

Humalik muna ko kay mommy at daddy.

Bea: Baby, be good girl kay lolo at lola ah. I love you.

Sabi ko kay Beatriz habang karga karga sya ni mommy. Hinalikan ko din sya sa pisnge nya.

Jake: Sige ma, dad. Una na kami. Bye. Bye baby, I love you.

Humalik din sya kay Beatriz. Tapos lumabas na kami ng bahay at sumakay sa sasakyan. Pag-labas namin ng gate sakto tumutunog yung phone ko.

Bea: Hello.

Japs: Hi Bei, kamusta?

Bea: Ito ok lang. Ikaw?

Japs: Ayos lang din. San ka?

Bea: Aalis kami ni Jake eh.

Japs: Kayo lang dalawa? Si Beatriz?

Bea: Na kala mommy. Oo kami lang ni Jake.

Kahit Umiwas Pa.. (JhaBea FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon