KUP II: Chapter 16 - Nag-lilihi?

5.3K 62 12
                                    

Joyce's POV

Bea: Sige na Joyce, samahan mo na ko.

Joyce: Naman Bea, san naman kaya tayo bibili ng mangga? Aber!

Itong si Bea kanina pa gusto kumain ng mangga hindi ko alam kung bakit? Gusto nya lang daw, feel nya lang daw kumain ng mangga. Ewan ko ba dito.

Bea: Dyan sa supermarket.

Joyce: Meron ata dyan oh sa kanto.

Bea: Ayaw ko nun, gusto ko fresh.

Joyce: Fresh yung nasa puno.

Bea: Ehh, basta yung gusto ko sa supermarket.

Joyce: Ang layo layo ng supermarket dito, may trabaho pa tayo.

Bea: Ehhhh, sige na Joyce.

Joyce: Bat kaya hindi na lang si Rick yung tawagan mo at dalhan ka ng mangga.

Bea: Eh gusto ko ikaw kasama ko eh.

Joyce: Eww, alam mo kung buntis ka ako siguro pinag-lilihan mo. Ang swerte naman ng magiging anak mo.

Bea: Oy ang kapal mo ah. Kung buntis man ako, sa ama nya ako mag-lilihi hindi sayo.

Joyce: Sabagay, kawawa naman si Rick bugbog sarado siguro si Rick sayo. Pero teka, aha may nang-yari na nga sa inyo ni Rick no?

Haha, ito talaga si Bea masyadong malihim ayaw pang umamin. Siguro buntis na to. Ito naman si Rick ang bilis bilis.

Bea: Oy wala no, tsaka hindi ako buntis.

Joyce: Naku pa-check up ka na. Wala namang masama kakasal na din kayo ni Rick.

Bea: Hindi nga, kulit mo. Tara na kasi bili na tayo mangga.

Joyce: Oh kitam, nag-lilihi na.

Bea: Joyce kasi, sasamahan mo ba ako o hindi?

Haha, galit na si Bea samahan ko na nga.

Joyce: Tara na.

Bea: Salamat.

Lumabas na kami at dumiretso na sa supermarket.

Bea: Joyce, gusto ko yung malalaking manggo ayaw ko ng maliit tsaka gusto ko green na green yung makintab. Pero yung laman may pag-kadilaw.

Ano daw? Ang dami nya naman gusto sa mangga. San naman kaya kami hahanap nun?

Joyce: Bea naman? Anong klaseng mangga yun?

Bea: Basta tumingin ka na lang dyan.

Joyce: Pano ko naman malalaman na dilaw yung laman nun.

Bea: Ahhm, hindi ko rin alam eh.

Joyce: Mag-tatanong nga ako.

Sakto may nakita akong sales man ata dito.

Joyce: Kuya.

"Bakit po?"

Joyce: Posible ba yung mangga na green na green na makintab yung balat pero sa loob may pagka-dilaw tapos malaki daw.

"Ahmm, meron po, teka mam hanapan ko po kayo."

Bea: Sabi ko sayo meron nun eh.

Joyce: Ok.

Pumili na nga si Kuya ng mangga, buti na lang dumaan si Kuya kung hindi mababaliw ako dito sa kasama ko. Maya maya, natapos na si manong kuya.

"Ito na po mam."

Inabot nya sakin, kinuha ko naman tapos si Bea tinignan tong plastik na hawak ko.

Bea: Kuya isa pang kilo, unti pa nito eh.

Kahit Umiwas Pa.. (JhaBea FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon