KUP II: Chapter 54 - Oh noooo.

4.2K 63 12
                                    

Bea's POV

Mom: Mabango na ang baby. Bagong paligo kasi ng lola nya eh.

Sabi ni mommy, habang binibihisan si baby. May check up kasi si baby ngayon, mag papalit na kasi sya ng gatas at ng mga vitamins na iniinum nya.

Bea: Ready na ba ang baby? Ha?

Galaw lang sya ng galaw. Ang kulit kulit habang binibihisan sya ng lola nya.

Mom: Ayan ready na si baby. Oh wala pa ba si Japs?

Bea: Malapit na daw po.

Nag pasama kasi ako kay Japs, kasi si mommy may aasikasuhin daw. Eh wala naman ginagawa si Japs kaya nag pasama ako sa kanya. Maya maya nga lang din dumating na sya. Nag paalam lang kami kay mommy tapos umalis na kami. Ako na ang nag drive si Japs sa passenger seat, tapos si baby sa likod gamit yung regalo sa kanya ng Ninang Joyce nya.

--

Pag dating namin sa hospital, nag hintay lang kami sandali tapos tinawag na rin kami nung secretary ni Doc Dave. Tinimbang si baby, ok naman daw ang timbang nya. Sapat lang sa edad nya. Sabi nya rin na mag 3 months na si baby kaya pwede na ngang palitan yung gatas nya ipaubos na lang yung ginagamit nya ngayon, tapos pwede na sya mag palit. Pati sa vitamins nya ganun din. Nag bayad lang kami tapos lumabas na rin. Habang karga karga ko si Beatriz, si Japs naman buhat yung bag na nag lalaman ng mga gamit ni Beatriz.

Bea: Japs salamat ah.

Japs: Alam mo naman anything for you Bei, syempre sa barkada din.

Bea: Oh baby, sinamahan tayo ng Ninang Japs mo ah.

Japs: Hmm, ang Baby Beatriz talaga namin. Ngiti ka lang ng ngiti ah. Bakit kaya hindi ka mag salita.

Natawa naman ako dun.

Bea: Ikaw ba nung three months ka pa lang nag sasalita ka na?

Japs: Haha, oo nga.

Bea: Ano naman ang sinasabi mo?

Japs: Ayun nga, oo nga oo nga.

Lalong napalakas ang tawa ko dun. Baliw tong si Japs. Na gets nyo ba yung 'oo nga, oo nga' nya?

Habang nag tatawanan kami dito ni Japs sa may hallway si baby naman ngiti ngiti akala mo naman naiintindihan nya eh. Pero malay mo naman diba? Nakakaintindi na sya, matalino ata to no.

Tawa pa rin kami ng tawa hanggang sa napatigil kami. Dahil may umagaw ng atensyon namin, na isang lalaking naka upo sa wheel chair, at may dextrose pa na nakasabit. Napatigil kami ni Japs, nag katinginan kaming tatlo. Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko. Totoo ba tong nakikita ko? Sya ba talaga to? Ang payat payat nya na. Nag iba ang lahat sa kanya. Hugis ng muka pati ang pangangatawan nya. Ibang iba na.

Japs: Rick?

Oo si Rick nga ang sinasabi ko. Nandito na pala sya sa pinas. Sabi kasi ni Joyce noon diba, na pupunta sya ng US para mag pagaling. Ito ba yung sinasabi nya na sakit nya. Gano ba kalala? At kailangan pang maging ganto sya.

Rick: Bea.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Nakakapanibago kasi, ang hina hina ng katawan nya nakikita ko sa mga mata nya kung gano sya nahihirapan. Naramdaman ko na parang may sumisiko sa tagiliran ko, si Japs pala. At natauhan na ko dun.

Bea: Kamusta ka na?

Hindi sya agad nag salita. Nakatingin lang sya sa sakin at napatingin din sya kay Beatriz na karga karga ko.

Rick: Nanganak ka na pala.

Sabi nya sa mahinang boses, medyo hirap pa nga eh.

Bea: Oo, mag tatlong buwan na.

Kahit Umiwas Pa.. (JhaBea FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon