Bea's POV
Nag visit uli kami ni Baby Beatriz sa doctor nya pero ngayon with hubby na. Nag off kasi sya ngayon, gusto nya daw kasi sumama. Pauwi na kami ngayon, hinihintay lang namin si Jake, gumamit ng restroom. Naka-upo lang ako sa may upuan sa hallway habang si Beatriz nakahiga sa stroller nya. Nilalaro ko sya nung laruan nya na tumutunog. Nang may napadaan na isang nurse at isang lalaki na naka wheel chair. Pag tingin ko naalala ko si Rick, ano na kaya nangyari sa kanya? Two months na rin ng huli ko syang makita dito rin sa hospital na to. Andito pa rin kaya sya? Binalik ko na lang yung tingin ko ulit kay baby, kinakain nya yung kamay nya.
Bea: Baby, gutom ka na? Puro laway na yung kamay mo oh.
Kinuha ko yung bib nya tapos pinunasan yung mga kamay nya tsaka yung labi nya.
Bea: Timplahan lang kita ah.
Pinisil ko muna yung pisnge nya, grabe nang gigigil ako sa baby ko. Kinuha ko yung gatas at yung bote nya na may tubig na tsaka ko pinaghalo tapos shinake (shake) ko.
Bea: Oh, baby dede ka muna. Tagal ng daddy mo.
Dahan dahan kong sinubo sa kanya yung nipple nung bottle nya. Tapos nag dede naman sya. Maya maya may tumabi sakin na lalaki, pag tingin ko si hubby na pala to.
Bea: Tagal mo. Nagutom na si Beatriz.
Jake: Hi baby, tagal ba ni daddy? Ang dami kasing tao sa restroom eh. So tara na?
Nag nod lang ako, dahan dahan kong tinanggal yung dede ni Beatriz sa kanya, hindi naman sya umiyak. Busog na rin siguro. Kinuha ko yung bag tapos si Jake mag tutulak nung stroller ni Beatriz.
Jake: Wifey, naka-usap ko pala si Ate kahapon.
Bea: Anong sabi?
Jake: Meron daw . . .
Napatigil sya, pati sa pag lalakad napatigil sya. Tinignan ko sya, gulat na gulat naman yung expression ng muka nya. Tinignan ko kung san sya nakatingin.
Bea: Rick.
Sabi ko ng mahina. Grabe, kung noon pumayat sya, mas pumayat sya ngayon. Tapos wala na syang buhok.
(Imagine Derrick Monasterio ng walang buhok. *peace* ang bad ko. Lol.)
--
Jake's POV
Napatigil ako sa sinasabi ko kay wifey, nang makita kong may padaan na lalaki na naka wheel chair at may kasamang nurse. Nung una hindi ko sya mamukaan, pero habang palapit sya narerecognize ko yung muka nya, kahit ang daming nag bago sa kanya. Alam na alam ko pa rin yung muka nya, pano ko ba naman makakalimutan tong muka nya eh halos patayin na ko nito noon.
Bea: Rick.
Narinig kong sabi ni wifey, kahit mahina narinig ko. Tinignan ko sya, kahit hindi nya sabihin alam kong nag aalala sya. Alam ko kung ano ang iniisip nya ngayon. Naguguluhan din naman ako, ano ba nangyari kay Rick? Tumingin ulit ako kay Rick, nakatingin sya kay wifey. Tinignan ko naman si wifey, ganun pa rin expression nya. Lalapitan ko na sana sya kaso nag simula na syang mag lakad papunta kay Rick.
Bea: Rick, ano bang nangyari sayo?
Rick: Wala.
Bea: Anong wala? Bat ka nag kaganyan?
Rick: Nurse dalhin mo na ko sa kwarto.
Bea: Teka lang. Nurse, ano bang sakit nya?
Nakatingin lang ako sa kanilang tatlo. Hindi ko alam kung anong nararamdan ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit kailangan mag alala ni wifey sa kanya ng ganyan.
BINABASA MO ANG
Kahit Umiwas Pa.. (JhaBea FanFiction)
Fanfic-Dont find love, let the love find you ... That's why it's called falling inlove.. Because you dont force yourself to fall, you just fall.. what if nahanap ka na ng LOVE. iiwasan mo ba ito ? Dahil alam mong mali at wala pa sa tamang panahon. O ipag...