Papunta kaming airport, dahil nga pupunta kami sa US para samahan si Rick. Napag-desisyunan kong sumama kahit alam kong mahihirapan ako. Dahil nga kala Jake at Beatriz. Pag-punta namin ng airport agad agad kaming, sumakay sa airplane at dun ko nalaman na, kami lang ang pala ang pasahero nito. Katabi ko si Rick habang nakahiga.
Bea: Ok ka lang?
Dahan dahan syang tumango na parang naiiyak.
Bea: Bakit?
Nag shake sya ng head pero alam kong pinipigilan nya lang umiyak.
Bea: May masakit ba?
Inabot ko yung kamay ko at ang higpit ng hawak nya sakin.
Rick: Habang buhay pa ko, wag mo muna akong iiwan ah. Please, samahan mo muna ako.
Medyo hirap yung boses nya, pero unti unting tumatango ang ulo ko.
Rick: Salamat.
Pumikit yung mga mata nya, at hindi ko na rin mapigilan ang hindi umiyak. Napatingin samin ang mommy ni Rick at nakita kong tumutulo na rin ang mga luha nya.
After ng mahabang byahe, dumiretso kami sa hospital kasama ang doctor ni Rick sa Pinas. Agad agad syang sinaksakan ng kung ano ano at pinasok sa isang kwarto dahil sumasakit na naman ang bandang tyan nya at ang taas ng lagnat nya.
Nang pinasok sya sa loob kasama ang doctor nya, yun naman ang buhos ng luha ng mommy at daddy nya.
Bea: Tita.
Bigla na lang yumakap sakin si tita at dun bumuhos lalo ang mga luha nya pati ako naiiyak na din.
Rick's mom: Hindi ko pa kaya anak, na mawala sya. Hindi pa ko handa, ang bata bata nya pa. Hindi pa ko handa. Hindi pa.
Paulit ulit nyang sinasabi na hindi pa sya handa. Sino ba naman kasing magulang ang may gusto na mangyari to sa anak nya. Kaya nga, kahit alam nilang kahit saan pang dalhin na hospital si Rick alam nilang wala ng mag babago pero ginagawa pa rin dahil nga sa mahal na mahal nila si Rick.
Rick's dad: Hayaan na lang natin sila kung hanggang saan ang makakaya nila. Kung wala na talaga, tanggapin na lang natin.
Tumulo na rin ang mga luha ng daddy ni Rick. Umupo ito at pilit pinupunasan ang muka nya pero hindi mapigilan ang luha nya. Ako rin, sobrang basa na ng mga mata ko, maski ako ayaw ko pa syang mawala. Sino ba ang may gusto?
Nagising na lang ako umaga na pala. Pag tingin ko sa kama, andito na pala si Rick sa kwarto nya. Natutulog pa sya, lumapit ako para check sya. Mukang ok naman na sya, sa ngayon. Unti unti na din gumagalaw yung mga kamay nya at namulat na rin ang mga mata nya.
Bea: Good morning. May masakit ba sayo?
Rick: Wala.
Bea: Gusto mong kumain? Gutom ka ba? Kukuha lang ako kakainin mo.
Aalis na sana ako pero pinigilan nya ko.
Rick: Dito ka lang, hindi ako gutom.
Bea: Ok, anong gusto mong gawin?
Rick: Gusto kong lumabas, samahan mo naman ako.
Bea: Sige, saan mo ba gusto pumunta?
Rick: Noon, dinala ako ni mommy sa isang lugar, maganda dun. Dyan lang sa may likod ng hospital.
Tumango na lang ako at kinuha ko yung wheel chair nya. Lumabas kami, dahil pwede naman basta wag lang lalabas dun sa labas talaga ng hospital.
Andito nga kami ngayon, malapit sa may likod ng hospital. Meron ditong garden, tapos may pond na may laman ng mga iba't ibang fish na maliliit. Ang dami rin mga flowers, tapos ang sarap ng hangin nakaka-relax.
BINABASA MO ANG
Kahit Umiwas Pa.. (JhaBea FanFiction)
Фанфик-Dont find love, let the love find you ... That's why it's called falling inlove.. Because you dont force yourself to fall, you just fall.. what if nahanap ka na ng LOVE. iiwasan mo ba ito ? Dahil alam mong mali at wala pa sa tamang panahon. O ipag...