KUP II: Chapter 7 - <3 <3 <3 (Elevator) Part II.

5.2K 71 30
                                    

Bea's POV

Ano ba naman yan Beanca bakit late ka nagising. Alam mong may pasok ka ngayon eh. Yari ka sa boss mo nito eh. May meeting pa naman yun ngayon bawal ako ma-late. Kasi ibibigay ko sa kanya yung mga pinagawa nya sakin, dahil nga may bago daw syang nakilala na business man din.

Barbie: Ate, hindi ka na ba kakain?

Bea: Late na ko eh.

Tapos hinalikan ko na lang si Barbz. Pumunta na nga ko sa parking, tapos agad agad ng pinaandar yung sasakyan.

--

Pag-pasok ko, nakita ko agad yung malaking orasan sa lobby. Patay, 8:55 na, 9 yung meeting. Pano ba yan? Sa 8th floor pa yung opisina ko. Mag-hahagdan pa ko. Tapos tumunog yung phone ko, sinagot ko muna si Joyce kasi.

Bea: Hello, Joyce.

Joyce: Nasan ka na?

Bea: Andito na papasok na sa stair.

Joyce: Whaat? Ma-lalate ka na mag-hahagdan ka pa rin? Try mong mag-elevator mas mabilis.

Bea: Alam mo naman ang kwento ko sa elevator diba?

Joyce: Bei, we're in hurry na. Please, mag-elevator ka na. Three minutes na lang, 9 o'clock na. Sige na mag-elevator ka na.

Bea; Sige na bye na.

Grrrr, no choice na nga ko. Mag-eelevator na talaga ako. Kaysa mapagalitan ako ni kuya. Yeah, si kuya ang boss ko. Hindi nya naman ako secretary pero sakin nya kasi pinag-kakatiwala yung mga importanteng bagay dito sa company namin. Tulad na lang nitong hawak ko ngayon. Maya maya bumukas na yung elevator, shocks ito yung ayaw ko eh. Ako lang mag-isa. Wala na akong nagawa kundi ang pumasok. Tumayo na ko ng straight sa gitna at pinindot yung close button. Habang papa-sarado yung pintuan may pumagitna na kamay. Ano ba yan, may humabol pa. Late na kaya ako. Pero ok na din at least may kasama ako. Wow, ah fairness ang tagal nyang pumasok. Ano ba tong lalaking to, ngayon ko lang sya nakita dito. Naka-shades kasi sya eh, tapos taas taas pa yung buhok pero naka-formal na suit sya. Ang gwapo nya ah. Pero teka ...

Nang tuluyan nang bumukas ung pinto at nakita ko na talaga sya. Parang bumilis yung tibok ng puso ko. Parang may kamuka sya. Napatigil at napa-titig ako sa kanya. Sana tanggalin nya yung shades nya. Hindi ko alam kung naka-tingin din sya sakin. Pero yung ulo nya sakin kasi naka-direkta.

Bea: Jake?

Hindi ko alam, kung bakit yung pangalan na Jake ang nabanggit ko. Si Jake ba to? Akala ko ba wala sya sa Pinas? Halata din sa kanya na napatigil sya nang makita nya ko. Bakit hindi pa rin sya pumapasok? Ayaw nya ba ko makasama? Hanggang sa nakita kong papa-sarado na ulit yung pinto pero hindi pa rin sya kumikilos. Kung sya nga to? Bakit ayaw nyang pumasok sa elevator kasama ako.

--

Jake's POV

Nag-mamadali na rin ako kanina kaya nung nakita ko yung isang elevator na papa-sarado pa lang hinarangan ko ng kamay ko para bumukas ulit. Pero laking gulat ko nang nakita ko sya sa loob ng elevator na mag-isa. Ang alam ko ayaw nya sa mga elevator. Hindi ko alam na dito pala kami mag-kikita ulit. Tinitigan ko lang sya, hindi ko alam kung namumukaan nya ako. At hindi ko rin alam kung alam nyang naka-tingin ako sa kanya dahil nga sa naka-shades ako. Nakita ko na sasarado na ulit yung elevator. Papasok ba ko o hindi?

Kahit Umiwas Pa.. (JhaBea FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon