KUP II: Chapter 32 - A secret revealed.

5K 88 25
                                    

Elmo's POV

Elmo: Japs.

Hinablot ko yung kamay nya, tatalikuran nya na kasi ako eh kinakausap ko pa sya.

Elmo: Wag naman ganto oh. Mag-usap naman tayo.

Japs: Ilang beses ko ba kasing sasabihin sayo, HINDI MO ANAK SI JAYLEE.

Elmo: Anak ko sya at nararamdaman ko yun.

Japs: Pwes mali yang nararamdaman mo.

Elmo: Sige mali na kung mali. Sige hindi ko na sya anak. Sige Japs hindi na. Pero sana yung nararamdaman ko sayo paniwalaan mo oh.

Japs: Alam mo ba yung sinasabi mo?

Elmo: Oo.

Japs: Elmo, may asawa't anak na ko. Elmo, move on. Ang tagal na nating wala.

Elmo: Sana nga ganun lang kadali mag move on.

Japs: Andyan naman na si Lexi diba?

Elmo: Yun na nga eh, bumalik sya sakin, pero bumalik ka din. Sa tingin mo anong mangyayari sakin?

Japs: Hindi ko alam.

Elmo: Hindi mo alam, kasi walang kang pakialam.

Japs: May paki ako.

Elmo: Wala Japs, wala. Wala ka ngang pakialam sakin eh, lalo na dito oh.

Sabay turo ko pa sa kaliwang dibdib ko.

Elmo: Sana hindi ka na lang talaga bumalik eh. Bakit ka pa ba bumalik? Ha?

Japs: Eh bakit ba? Hindi naman ako bumalik dito para sayo. Para to samin ng anak ko.

Natahimik ako sa sinabi nya. Medyo masakit yung sinabi nya sakin. Oo nga naman, hindi naman ako ang dahilan kaya sya bumalik dito.

Japs: Ano? Pwede na ba akong umalis?

Tanong nya, tapos binitawan ko na sya.

Japs: Moe, wala na tayong dapat pag pag usapan pa. Kalimutan mo na ko, dahil nakalimutan na kita. Bye.

Tsaka sya nag lakad palayo. Bakit ba ganun sya? Parang ako pa yung may kasalanan? Diba sya? Tapos sya pa yung matigas ngayon. Ang sakit lang eh, nag hintay ako sa kanya eh. Ito na naman tayo eh, babalik na naman tayo sa nakaraan eh. Napaupo na lang ako sa may bench dito. Yumuko at sinabutan ko yung sarili kong buhok, naiinis na kasi ako. Tapos naramdaman ko na lang na may humawak sa balikat ko. Tumingala ako para malaman kung sino.

Elmo: Lexi, ikaw pala.

Umupo naman sya sa tabi ko.

Elmo: Anong ginagawa mo dito?

Lexi: Sinundan ka.

Elmo: Bakit?

Lexi: May sasabihin kasi ako.

Elmo: Ano?

Lexi: About satin. Ano na ba talaga kayo?

Napatingin ako sa kanya. Ano na nga ba talaga kami?

Lexi: Look, kilala mo ko, right? So alam mo kung anong ayaw ko. Moe, ayaw ko ng ginagawa akong tanga, o niloloko ako. Ayaw ko ng pinag-lalaruan ako. Ayaw ko nun, alam mo yun.

Elmo: Alam ko naman yun eh.

Lexi: So gusto ko lang i-clarify ano na ba tayo? Kasi kung wala naman tayo, babalik na ko sa state.

Elmo: No, wag mo kong iwan. Kailangan kita Lexi. Kailangan kita.

Tapos niyakap ko sya, naramdaman ko rin yung pag yakap nya sakin.

Kahit Umiwas Pa.. (JhaBea FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon