Bea's POV
Nandito kami ngayon sa mall. Tulad ng napag usapan last week. Kasama ko si Ate Kris, Japs, Joyce at Barbie, si Lexi hindi daw talaga makakasama. Monthsary nga kasi nila ngayon ni Elmo. Ayaw na nga namin ipaalala kay Japs eh. Bumibitter kasi. Dahil three days sale ang mall, syempre ang daming pwedeng bilhin. Si Ate Kris hinahanap yung ibang gamit daw sa kusina kasi mag aaral daw sya mag bake ng mga cookies at ng kung ano pang pwedeng ibake. Habang tumitingin tingin kami dito, nag ring ang phone ko. Pag-tingin ko si Jake tumatawag.
Bea: Hello.
Jake: Hi baby, ano ng ginagawa nyo?
Bea: Dito pa rin sa mall, ang dami ngang tao. Masyadong busy ang mall ngayon. Kayo? Kumain na ba kayo? Tsaka si baby anong ginagawa?
Jake: Ito andito kami nakahiga sa kama natin, tapos tinulugan ako ni baby.
Bea: Ahh, baka naman puro patulog gawin mo kay baby ah. Ilabas mo rin mamaya, pag hindi na mainit.
Jake: Bat anong oras ba kayo makaka-uwi?
Bea: Hindi ko pa alam, alam mo naman tong mga kasama ko eh.
Jake: Sige papasyal kami ni baby mamaya dito sa may village.
Joyce: Ui Bei sino yan?
Si Joyce habang papalapit sakin.
Bea: Si Jake, tumatawag.
Joyce: Miss na miss lang agad Jake? Pahiram muna si Bea. Haha.
Bea: Narinig mo yun?
Tanong ko kay Jake.
Jake: Sabihin mo pahiram din si Kris.
Bea: Joyce, pahiram din daw si Kris.
Joyce: Gusto mo ibigay ko na sayo eh.
Jake: Haha, baka umiyak yan.
Bea: Baka daw umiyak ka.
Joyce: Hindi iyong iyo na yun Jake.
Bea: Haha, loko. Ikaw Joyce pag narinig ka nun, yari ka dun.
Joyce: Bahala na sya.
Bea: Sige na bhie, tawagan kita maya pag pauwi na kami.
Jake: Ok. Ingat ka ah. I love you.
Bea: I love you too.
Binaba ko na yung call. Tapos pumunta na ulit ako kala ate, ito namimili ng mga gamit para kay Ate Kris. Tapos nang makuha nya lahat kumain muna kami ng meryenda. Nilagay muna ni Ate Kris yung mga napamili nya sa sasakyan nya. Tapos balik kami sa pamimili.
Dito kami ngayon sa mga clothes naman. Bibili daw kasi si Joyce eh. Wala na daw syang damit kahit punong puno pa yung closet nya.
Kris: Ui bhe ito maganda oh.
May inabot na damit si Ate kay Joyce.
![](https://img.wattpad.com/cover/1410917-288-k597308.jpg)
BINABASA MO ANG
Kahit Umiwas Pa.. (JhaBea FanFiction)
Fanfic-Dont find love, let the love find you ... That's why it's called falling inlove.. Because you dont force yourself to fall, you just fall.. what if nahanap ka na ng LOVE. iiwasan mo ba ito ? Dahil alam mong mali at wala pa sa tamang panahon. O ipag...