KUP II: Chapter 45 - This is the day.

4.3K 60 20
                                    

Jake's POV

Pauwi pa lang ako, galing sa bahay nila Kuya AJ. May pinabigay kasi si mama kay ate. Nasa daan na ko, kaso stack ako sa traffic. Ang haba haba ng pila ng mga sasakyan. Tapos bigla na lang nag ring yung phone ko, kinuha ko naman.

Jake: Hello ma, bakit?

Mom: Nasan ka na?

Jake: Pauwi na traffic eh.

Mom: Dumiretso ka na sa hospital.

Jake: Bakit?

Mom: MANGANGANAK NA SI BEA. BILISAN MO.

Ang sakit sa tenga, sinigawan pa ko. Pero ano daw sabi, manganganak na si wifey?

Jake: Ano? Nasan na kayo?

Mom: Papunta ng hospital.

Jake: Sige sige, ok na ba lahat ma? Yung ano . . . Yuuung . . mga gamit d-dala nyo ba lahat?

Ano ba yan natataranta ako.

Mom: Oo, dala na namin.

Jake: Eh si Bei? Ok ba sya?

Mom: Sumasakit na ang tyan kaya bilisan mo pumunta sa hospital.

Jake: Sige po.

Binaba na ni mommy yung call. Manganganak na si wifey, pano ako aalis dito? Naipit ako sa mga sasakyan. Tumingin tingin ako sa paligid, baka may malusutan ako. Kaso wala talaga eh. Pano na to?

After 15 minutes ayan umandar na ang mga sasakyan. Kaso ang bagal bagal traffic pa din. Nang may chance na kong makapag u-turn, nag u-turn na agad ako. Tapos ayun, tuloy tuloy na yung byahe ko. Salamat naman.

--

Pag dating ko sa hospital. Nakita ko agad si mommy at yung yaya namin.

Jake: Ma.

Tawag ko kay mama. Tumingin naman sya tapos hinalikan ko muna sya sa pisnge.

Jake: Si Bei?

Mom: Hindi pa lumalabas yung doctor.

Jake: Kamusta sya kanina? Ok lang ba sya?

Mom: Anak, ok lang si Bei.

Jake: Kinakabahan lang kasi ako.

Mom: Wag kang kabahan. Oo nga pala, ang ate mo papunta na dito kasama si AJ at Barbie.

Jake: Sige po.

Mom: Upo ka muna.

Umupo muna ko at huminga ng malalim. Hindi ko alam kung bakit masyado akong kabado. Pero kasi, first time kasi to mangyari sakin. Kaya ganun yung kaba ko. Lalabas na yung angel namin ni Bei. Excited ako pero kinakabahan talaga ako. Napatingin na lang ako ng may tumawag samin. Sila ate na pala.

Kris: Si Bei?

Jake: Nasa loob pa rin.

AJ: Hindi pa ba lumalabas yung mga doctor?

Jake: Wala pa eh.

Barbie: Kaya yun ni ate. Excited na ko makita si baby girl.

Ngumiti na lang ako kay Barbie. Gusto ko talaga pasukin si Bea sa loob eh, para malaman ko kung ano na nangyayari. Ang tagal tagal kasi, gusto ko ng makita yung baby namin. Tagal tagal naming hinintay to, kaya sobrang saya ko at lalabas na sya ngayon.

Mga ilang oras pa, may lumabas na isang nurse. Una akong tumayo at sumunod naman si mommy.

Jake: Nurse.

Kahit Umiwas Pa.. (JhaBea FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon