Chapter 39

31 4 0
                                    

Chapter 39: Carlo

❤️~~ Myke Pov ~~❤️

Nasa cafeteria na kami ngayon kumakain. Iba na yung cafeteria ngayon dahil libre na yung pagkain iba na din yung pagkaka-ayos dahil isa nalang yung kainan na nakabukas puro mga drinks na yung iba.

"Kamusta pala yung kapatid mo Ashley?" Biglang tanong ni Mark kay Ashley.

"Walang pwedeng makaalam na kapatid ko sina Albert at Anna." Sabi naman nya.

"Bakit naman?" Tanong naman ni Ronnie.

"Ayaw ko lang mapahamak sila ng dahil sa akin." Sabi naman ni Ashley atchaka sumubo.

"Ayos lang ba yang kamay mo Chichi?" Tanong ko naman sa kanya.

"Isang suntok lang naman yon kaya okay lang." Sabi naman nya sa akin.

"Ashley ano bang nangyari at ginanon nila Kristine si Anna" Tanong bigla ni Micha.

"Diba sinabi na kanina ni Anna yan." Sabi naman ni Kate.

"Hindi kasi ako chismosa ehh." Sabi naman ni Micha.

"At ikaw pa ang hindi chismosa sa atin ahh." Sabi naman ni Kate.

"Oo nga Micha wag kami." Sabi naman ni Alexa.

"Hindi naman kasi ako chismosa eh." Sabi naman ni Micha.

"Chismosa ka kaya." Sabi naman ni Luke na kaharap si Micha.

"Ikaw kaya tong chismoso sa atin." Sabi naman ni Micha.

"Kaya pala tinanong mo ako nung minsan kung may girlfriend na ako." Sabi naman ni Luke kaya natahimik kaming lahat.

"Ikaw yung unang nagtanong eh sabi mo pa nga buti nalang tinanong kita kung bakit sabi mo wala lang." Sabi naman ni Micha.

"Eh wala naman kasi talaga eh!" Sabi naman ni Luke.

"Sinabi ko bang meron? Diba wala naman akong sinabi!" Sabi naman ni Micha.

"Tumahimik na nga kayo!" Sabay na sabi ni Chris at Kate kaya nagkatinginan sila atchaka pa tumawa ng mahina.

"Ikaw Faith may boyfriend kaba?" Biglang tanong naman ni Ronnie kaya napatingin kaming lahat sa kanya. Kaming mga lalaki lang ang may alam na gusto nya si Faith.

"Chismoso ka din no." Sabi naman ni Faith.

"Tinatanong lang naman eh." Sabi naman ni Ronnie atchaka na ulit sumubo.

"Wala kaming boyfriend." Sabi naman ni Kate. "Yung iba sa amin may ex na." Sabi pa nya.

"Sino naman?" Tanong naman ni Chris.

"Tanungin mo kami." Sabi naman ni Kate.

"Wag na baka sabihin nyo chismoso ako." Sabi naman ni Chris atchaka na ulit sumubo.

"San ka pupunta?" Tanong ko kay Ashley bigla kasi siyang tumayo eh.

"Kukuha pa ako ng pagkain gutom pa ako eh." Sabi naman nya atchaka na naglakad. Inubos ko na agad yung akin para humingi na din hindi din kasi ako nakakain ng madami kanina eh.

"Buti nalang at libre na yung lunch natin no." Sabi naman bigla ni Alexa.

"Oo nga para pwede tayong mag-take two lalo na si Ashley." Sabi naman ni Faith.

"Bakit naman?" Tanong naman ni Mark.

"Si Ashley kasi yung tipo ng babae na matakas pero kuripot." Sabi naman ni Kate.

"Kaya pala puro black yung damit nya." Sabi naman ni Mark.

"Puro black yung damit nya dahil paborito nyang kulay yon." Sabi naman ni Micha.

The Love Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon