Chapter 17

44 6 0
                                        


*⁰⁹-²⁸-²⁰*

Chapter 17: Tindera

Myke POV

Nasa MIAPA CLUB kami napa-aga nga kami eh 6:30 palang kasi sila mag uumpisa kaya naman nag kwentuhan muna kami habang hindi pa sila dumadating.

"Ronnie kaylan ka pala aamin kay Faith?" Tanong bigla ni Luke habang kumakain.

"Hindi ko pa nga alam eh nahihiya kasi ako." Sagot naman nya.

Nahihiya daw eh ang tinik sa chicks nitong lalaking to.

"Nahihiya tingnan mo tong si Myke wala pa mang isang buwan simula nung nag-aral ulit tayo pero naka-amin na sya agad." Papuri naman sa akin ni Mark.

Hindi torpe tawag don.

"Eh ikaw ba Mark kailan mo balak sabihin na may gusto ka kay Alexa?" Tanong naman ni Chris kaya bigla syang natigilan.

"Ang tagal naman." Mahinang sabi ko.

"6:30 palang kasi mag-uumpisa kaya wag kang mag inarte jan." Sabi naman ni Mark kaya binatuhan ko sya.

"Wag kang maingay dyan." Sabi ko pa atchaka sana ako lalabas para mag-yosi minsan lang naman akong mag-yosi kaya okay lang naman siguro yon.

Palabas na ako nung bigla namang pumasok si Alexa. "Oh Myke nandito pala kayo." Sabi nya sa akin atchaka sya huminto sa harap ko. "Aalis kana?" Tanong nya sa akin.

"Magpapalamig lang.." sabi ko atchaka sila tiningnan. "... Si Ashley? Tanong ko naman sa kanya.

"Nandoon sya sa labas." Sagot naman ni Kate atchaka na umalis.

"Mauna na kami." Sabi naman ni Micha atchaka na sila umalis sa harap ko agad naman akong lumabas para hanapin si Ashley.

"Baby Girl!" Sigaw ko sa kanya nung nakita ko sya. "Nagsi-sigarilyo ka din?" Gulat na tanong ko sa kanya.

"Bawal ba?" Tanong nya naman sa akin.

"Hindi naman tinatanong ko lang penge akong isa." Sabi ko pa atchaka kinuha yung isang stick ng sigaliryo.

"Pati naman pala ikaw eh." Sabi nya naman atchaka inayos yung motor nya.

"Minsan lang naman." Sabi ko naman atchaka sinindian.

"Wag mong dalasan." sabi nya atchaka na umalis.

"Hintayin mo ako!" Sigaw ko atchaka na tinapon yung sigaliryo hindi ko pa nga nakakalahati kaya naman sayang.

"Ashley!" Sigaw ko kaya naman tumigil sya sa paglalakad nya.

"Pwede ba akong mag request tapos ikaw yung kakanta?" Tanong ko sa kanya.

"Gusto mo ba ako marinig kumanta?" Tanong naman nya.

"Syempre naman." Nakangiting sabi ko.

"Kakantahin nalang kita sa susunod." Sabi nya atchaka na ulit naglakad.

"Promise yan ah." Sabi ko atchaka na rin naglakad.

Bumalik na ako sa upuan namin atchaka na rin sila nag-umpisang kumata.

"Ang galing ng banda nila no." Sabi bigla ni Ronnie na nakatingin lang kay Faith.

"Wag mo gaanong tingnan baka malusaw." Sabi naman bigla ni Luke.

"Hindi ko naman sya tinitingnan eh!" Sigaw naming pareho ni Ronnie.

The Love Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon