Chapter 12

48 5 0
                                    

*⁰⁹-²²-²⁰*




Chapter 12: Hospital




Kate Point of view




Nasa bahay lang kami ngayon dahil sabado na at wala kaming alam gawin kundi ang magkulong sa kanya kanya naming kwarto si Ashley nakakulong lang sya sa kwarto nya kahit alas-nuwebe na si Alexa ganon din pero lumabas naman sya para kumain si Faith kasama ko dito sa baba nag babasa nanaman ng mga libro nya si Micha naman nasa kwarto nya rin at ako nandito sa sala nanonood ng tv.



"Faith?" Tawag ko kay Faith na nasa lamesa.



"Bakit?" Tanong naman nya habang nagbabasa pa din.



"Sure kaba na may gusto ka kay Ronnie?" Seryosong tanong ko sakanya kasi diba kaaway nila kami tapos mag kakagusto sya kay Ronnie.



"Hindi naman gusto talaga crush lang naman eh." Sagot naman nya.



"Pero kung magkakagusto ka sa kanya siguraduhin mo ah." Seryosong sabi ko pa din.



"Oo naman." Nakangiting sabi nya sa akin. Lumapit naman ako sa kanya.



"Kapag naging kayo ni Ronnie sya yung first boyfriend mo non, right?"



"Oo, pero wala naman akong balak mag first move no atchaka crush lang naman eh." Wag ka sanang masaktan kagaya kay Ashley.



"Basta sundin mo lang ang puso mo." Seryosong sabi ko.



"Wag ka ganong seryoso jan Kate." Sabi nya atchaka na ulit humarap sa libro nya.



"Sinasabi ko lang naman eh."



Ng matapos ang kwentuhan namin ni Faith napag pasyahan ko ng magluto ng tanghalian namin baka kasi bigla silang bumaba at wala man lang pag kain.



Adobo ang niluto ko dahil yun yung gusto kong lutuin wala naman silang magagawa dahil ako ang nagluluto at hindi sila.



"Ang bango naman nyan!" Malakas na sabi ni Micha habang pababa sa hagdan.



"Syempre ako ang nagluto eh!" Sabi ko naman habang inaayos na yung lamesa.



"Tulog paba si Ashley?" Tanong ni Faith kay Micha.



"Gising na ata sya meron na akong narinig na ingay sa kwarto nya eh." Sagot naman ni Micha.



Lumapit ako sa hagdan at sumigaw.
"Ashley at Alexa bumaba na kayo diyan kakain na!" Malakas na sigaw ko at nagsibabaan naman sila.



"Adobo! Adobo! Adobo!" Ayan na si Ashley sinusumpong na ang pagka-madaldal nya.



"Magsi upo na kayo kakain na tayo!" Sigaw naman ni Faith.



"Hmm." Inaamoy amoy pa ni Alexa.



Sinimulan na naming kumain.



The Love Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon