Chapter 18

42 6 0
                                    


*⁰⁹-²⁹-²⁰*

Chapter 18: Date

Alexa POV

Papunta kami ngayon ni Mark sa may garden meron daw syang sasabihin sa akin kaya pinauna na namin yung mga kasama namin. Siguro importante yung sasabihin nya kaya gusto nyang kaming dalawa lang.

"Tayo nalang dalawa dito ano ba talaga yung sasabihin mo?" Tanong ko sa kanya atchaka nya naman hinawakan yung kamay ko kaya feeling ko namumula nanaman ako.

"Alexa ano kasi.." Ano kaya tong sasabihin nitong lalaking to at pumikit pa. "...Pwede ba kitang idate?" Mabilis na sabi nya atchaka tiningnan ako sa mata.

"A-ano?" Dahil sa gulat yan ang nasabi ko.

Hindi ko naman kasi alam na tatanungin ako nitong lalaking to.

"Pwede ba tayong mag-date?" Seryosong sabi nya.

"Date?" Totoo ba tong sinasabi nitong lalaking to? "Nag-bibiro kaba?" Nan-tritrip nanaman siguro tong si Mark.

"Seryoso ako Alexa kaya kung ayaw mo okay lang naman eh sagutin mo lang ako.." Nagbibiro ba siya? "... Pwede ba kitang idate?" Seryoso nga talaga sya naiinitan na ako.

"Syempre oo yung sagot ko isang Mark Jessie lang naman ang magtatanong sa akin kung pwede nya ba akong idate syempre oo." Masayang sabi ko atchaka ko sya niyakap? Oo niyakap ko sya.

"Sorry." sabi ko naman nung mubitaw na ako.

"Salamat Alexa.." Sabi nya atchaka ulit hinawakan yung kamay ko. "...Tara na?" Ngayon naba kami mag-dadate?

"Ngayon naba?" Tanong ko sa kanya.

"Syempre naman alangan sayangin ko pa yung chance diba." Sabi nya atchaka na ako hinila.

"Andali lang." Sabi ko kaya naman huminto sya. "Hindi kanaba mag papalit?" Tanong ko sa kanya.

"Kahit na naka uniform ako at ikaw hindi okay lang yun no." Sabi nya naman atchaka na ulit ako hinila.

"Andali lang!" Sigaw ko pa.

"Ano nanaman po?" Tanong naman nya.

"Gagamitin ba natin yung kotse mo?" Tanong ko sa kanya.

"Oo kaya kung wala ka ng tanong tara na dahil gusto na kitang makasama." Sabi nya naman atchaka na ako tuluyang hinila.

***

"Alexa anong gusto mong gawin?" Tanong bigla ni Mark nung nakapasok na kami sa mall.

"Ikaw bahala." Sagot ko lang atchaka na kami nag lakad.

"Manood nalang tayo ng cine okay lang ba sayo yon?" Tanong naman nya.

"Syempre ikaw mag babayad eh." Sagot ko naman takot ako sa horror pero dahil libre okay lang yun.

"Dalawang ticket po para sa cinema 4." Sabi ni Mark atchaka inabot yung bayad.

"Enjoy the movie." Nakangiting sabi nung babae sa cashier.

"Hindi kaba natatakot sa horror?" Tanong ko sa kanya.

"Sakto lang, ikaw ba?" Balik tanong nya rin sa akin.

"Takot ako." sagot ko naman. "Pero dahil nanjan ka hindi na siguro." Sabi ko naman tsaka sya nginitian.

"Gusto mo bang bumili muna tayo ng popcorn meron pa naman tayong 10 minutes." Tanong ko sa kanya.

The Love Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon