Chapter 9

51 6 0
                                    


*⁰⁹-¹³-²⁰*

Chapter 9: Audition

Kate Point of view

Nasa cooking room na kami ngayon kasama yung sa ibang section grinupo nila kami, tig dalawa sa isang grupo at sa kasamaang palad si Chris pa ang naging partner ko.

"Magluto kayo sa inyong mga bahay tapos dalhin nyo bukas siguraduhin nyong kayong dalawa ang nagluto at siguraduhin nyo rin na may video kayo." Yun lang yung sinabi ni Mr. Josh Ramoz atchaka na umalis.

"Sa bahay nyo nalang tayo magluto." Nagulat naman ako dahil sa nagsalita nayon.

"Anak ng tupa wag mo akong ginugulat!" Sigaw ko sa kanya kami nalang dalawa dito sa may cooking room kaya okay lang naman kung mag ingay ako.

"Ang ingay mo talaga no!" Sigaw nya din sa akin.

"Ibigay mo yung adress ng bahay nyo."

"Sa inyo nalang hindi kompleto ang mga gamit namin atchaka wala kaming stuck sa kusina." Sabi ko naman hindi talaga kami nag iistock nang mga gulay, manok o baboy puro hotdog, egg at mga dilata lang kapag naman gusto naming mag manok doon lang kami bumibili.

"Aish... Sumakay ka nalang sa motor mo tapos sundan mo ako." Sabi nya atchaka na naglakad.

Tinext ko naman si Micha para alam nila na hindi ako agad makakauwi.

Nang makarating kami sa bahay nya malaki sya hindi naman sya mala mansyon pero malaki sya.

"Ano pang tinitingin mo dyan pasok na!" Sigaw nya sa akin kaya naman napatakbo ako palapit sa pinto.

"Ang ganda ng bahay mo." Mahinang sabi ko sa kanya habang pinagmamasdan parin ang buong bahay.

"Ikaw lang ba mag isa dito?" Tanong ko sa kanya.

"Wag mo ng itanong kung may kasama ba ako dito or wala... Hindi mo naman na kailangan malaman yon." Tinatanong ko lang naman eh.

"Anong lulutuin natin?" Tanong ko sa kanya.

"Adobo? Tinola? Giniling? Laga? Sigang? Sinampalukan?" Sa bawat sabi nya ng mga yan umiiling lang ako mga common na kasi yan kaya siguradong ganyan yung lulutuin ng iba.

"Kalgareta nalang kaya." Hindi kasi talaga nag luluto ng ganon yung mga student kaya naman siguradong kami lang ang mag kuluto non.

"Okay." Sabi nya naman atchaka umalis.

"San ka pupunta?" Tanong ko sa kanya.

"Dito sa kusina sumama kana bilisan mo."

Hinanda na namin lahat ng kailangan namin mga gulay, baboy at marami pa... Nag set-up narin kami nung cellphone na gagamitin namin yung kanya nalang daw para mas maliwanag.

Mga isat kalahating oras din kaming nagluluto noong natapos na unang tumikin si Chris nakatingin lang ako sa kanya baka kasi hindi masarap yung luto ko pero tinikman ko nanaman kanina pero yung baboy hindi pa.

"Masarap sya... Malambot yung baboy nya tapos malasa din at yung hanghang nya sakto lang sya sa panlasa ko." Sabi nya atchaka na nilabas yung isang garapon para ilagay doon.

Kinain lang muna namin yung tira pero hindi naman namin inubos para daw matikman nung ate nya hindi ko narin tinanong kung anong pangalan dahil hindi nya rin naman sasabihin.

"Aalis na ako!" Sigaw ko atchaka pinaharurut yung motor okay lang naman yung naging treatment nya sa akin hindi naman nya ako gaanong binabara or sinasagot sa mga tanong ko sa kanya.

The Love Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon