Chapter 79

3 0 0
                                    

Chapter 79

💜~~ Myke Pov ~~💜



Papunta na kami sa court ngayon dahil magi-start na yung game namin. Hindi ko tuloy mapapanood si Chichi kasi sabay yung game namin sa sakaniya. Sana lang ay matapos agad para makita ko siyang maglaro.

Ng makarating kami sa court ay nandoon na yung magiging kalaban namin. Ang totoo niyan hindi ko man alam kung anong school sila pero kulay pink yung suot nilang jersey.

Nag-umpisa na ang game at team namin ang nangunguna. Hindi pa din ako pinapasok dahil mamaya nalang daw mga 3rd quarter kaya maman nandito lang ako sa bench at nanonood sa kanila.

Natapos ang unang dalawang quarter at lamang kami ng higit sampo kaya paniguradong pananlo kami dito.

"Ayan na si Myke!"

"Go Myke!"

"Rosales!"

"Galingan mo!"

Ng sabihin nilang papasok na ako ay nagsitilian na nanaman yung mga babaeng halos na nandito.

Pati yung mga hindi ko kilala o namumukaan ay nagsisi-gawan narin.. ang nakakatawa lang pati yung mga taga cheer ng sa ibang team ay nakikisigaw narin sa amin.

"Good luck." Tinapik ako ni Albert sa likod atchaka ko naman siya nginitian.

Siya kasi yung papalitan ko kaya nagkalapit kaming dalawa. Kanina padin naman siya naglalaro kaya siguradong pagod siya.



💜~~ Ashley Pov ~~💜



Masyadong mayabang tong kalaban ko kaya naman mag ginanahan akong maglaro.

Wala naman gaanong nanonood dahil sa halos sa basketball sila nakatutok.

Hanggang dito nga ay naririnig ko yung mga sigaw nila. Kaniya kaniyang cheer at sa tingin ko lamang kami.

Sa unang game ay ako ang nanalo kaya kapag nanalo ako sa round nato ay ako na ang panalo.

"Galingan mona dahil ako na ang mananalo dito." Hindi ko siya bingyan ng kahit na anong ekspresyon kaya naman lalo siyang napangisi.

"Go Ashley." Napatingin pa ako kay Coach Cyra dahil sa sinabi niya.

Kararating niya lang din kaya naman hindi niya napanood yung isang round kanina.

Nandito din sa loob si JC nanonood sa akin. Mas pinili niyang sa akin manood dahil alam naman daw niyang agad ding matatapos yung game ko.

Lumipas ang ilang minuto ay 9/2 na ang score kaya naman isang tira nalang ay panalo na ako.

Masyado kasing mayabang yan tulog natalo siya sa akin. Ang sabi niya pa kanina na mag surrender na ako dahil sa ako rin naman daw yung matatalo.

"Ang school ng Lost Angel ang panalo sa game nato kaya naman congrats." Nakipag kamay pa ako doon sa nagsabi non atchaka na kami umalis.

Pumunta muna kami sa room namin dahil sabi ko na pangkukuha ko pa ng inumin si Myke at Shokoy.

Sigurado namang may inumin sila doon pero baka kulangin sila. Basta kukuha nalang ako ng tatlong Getorade para sigurado.

Isa sa akin at tig isa sila. Hindi kasi ako nakapagdala kanina pero may tubig naman silang binigay sa akin kaya hindi ako nauhaw.

Ng dumating kami ay 3rd quarter na daw sabi nila. Inabot ko pa kay Albert yung isa atchaka naman siya nag 'thank you' sa akin.

Patapos na daw yung 3rd quarter at sa tingin ko wala ng panalo yung kalaban dahil nasa 20 na yung lamang namin sa sakanila.

Napatingin ako kay Myke at nakatingin na pala siya sa akin. Ngumiti siya kaya naman ngumiti din ako sa kaniya atchaka pa nag 'fighting sign'.

The Love Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon