Chapter 74

4 0 0
                                    

Chapter 74




💜~~ Myke Pov ~~💜


Nasa bahay na ako ngayon dahil hinatid ako ni Chichi kanina. Sabay din kaming kumain kanina dito sa bahay. Saktong karating namin dito paalis naman si Mommy.


Nandito lang ako sa kwarto ko nagbabasa ng comics. Wala naman akong ibang gagawin dahil malinis naman yung kwarto ko at hindi na naman ako nagugutom.


Ng tamarin nakong magbasa binalik ko narin yung comics book ko sa shelf ko. Hiniga ko yung sarili ko sa kama atchaka umikot ikot doon. Hindi ko alam kung ano banag gusto kong gawin o kung may gusto ba akong gawin.


Nagising nalang ako at umaga na. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa sobrang pagkahiga ko sa kama ko. Tinanong ko sina Mommy kung bakit hindi nila ako ginising at ang sabi niya daw ay masarap daw ang tulog ko.


Nakanganga pa! Pero hindi naman ako naniwala dahil hindi naman ako ganon kapagod para ngumanganga pa sa lagtulog ko. Kung sakali man baka may pumasok na langaw sa bibig ko. Buti nalang at wala namang langaw dito sa kwarto ko.


Hindi ako magpapasundo kay Chichi ngayon dahul sasabay nalang ako kay Papa. Ayaw ko rin naman pabalik balik siya dito dahil alam kong nakakapagod ding mag drive ng mag drive.


"Una nako Pa." Sabi ko atchaka pa kumaway kay Papa. Palabas na ako ng Office niya dahil nagpatulong pa siya sa akin para buhatin yung iba niyang gamit. Sa harap na gate kami dumaan kaya naman hindi ko alam kung nanjan naba si Ashley o wala.


Pumunta ako sa paring lot sa may likod ng school at hindi ko naman nakita yung koyse ni Ashley o motor niya. Kahit yung kina Mark at Albert ay hindi ko rin napansin kaya pumasok na ulit ako sa school atchaka muna nag stay sa may kubo sa garden.


Ayaw ko naman sa room namin dahil masyadong maingay yung mga kaklasi ko at masyado ring malayo para bumalik pa ako sa parking lot mamaya kaya naman sa garden nalang ako pumunta. Kung sa library naman ay pwede den kaso maglalakad pa ako ng malayo at ilang building din ying lalagpasan ko.


Maganda sa garden dahil malapit na nga sa parking lot dito sa may likod ay mahangin at presko pa. Buti nalang at wala pang gaanong student ang naglalakad lakad at tumatambay dito. Baka pag nakita nila ako ay pagkaguluhan pa nila ako lalong lalo na yung mga first year na iba.


Hindi ko namalayan yung oras dahil nakatulog ako. Nagising nalang ako dahil may tumapik sa balikat ko. Napa-ungol pa ako atchaka kinusot yung mga mata ko para makita ng maayos kung sino ba yon.


"U-uhm hello, malapit napong m-mag 7:30 baka malate kayo at.. at kanina papo tumutunog yung cellphone niyo." Sabi niya pa atchaka na tumayo at lumabas ng kubo. Nakatali yung buhok niya at may dala dala pa siyang tumbler.


Hindi ko gaanong napansin kung ano bang kukay ng i.d. cover niya kaya hindi ko alam kung anong year ba siya. Hindi ko narin natanong yung pangalan niya dahil nagmamadali ata siya dahil agad din naman siyang umalis.


Kinuha ko yung cellphone ko dahil sa biglang pagtunog non. Napalunok nalang ako dahil sa dami ng message sa akin nila Mark, Ronnie, Luke, Chris at si Ashley. Hindi ganon ka dami yung kay Ashley pero baka nag-aalala na siya sa akin.


Hindi gaanong nag me message sa akin si Ashley dahil tamad daw siyang mag type pero yung mga message niya ngayon ay naka Caps lock pa lahat at mahahaba kaya naman hindi yon ganon ka dami. Pero mahaba.


Nag-call nalang ako kay Ashley pero hindi na niya yon sinasagot. Yung huling tawag ko sa kaniya cannot be reach pa kaya si Luke na yung tinawag ko.


The Love Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon